Wednesday , May 7 2025

Bakit maraming nagtatampo kay Comm. Bert Lina?

ILANG araw na lang ang nalalabi sa panunungkulan ni Bert Lina bilang Customs Commissioner pero ang daming broker/importer ang lumapit at naglabas ng hinaing nila sa atin.

“Sir Jim bakit ganun si Comm. Lina parang suicide bomber kung kailan ilang days na lang s’ya sa customs ‘e puro pahirap pa rin ang ginagawa nya sa amin? di na kami pinatahimik. Bankrupt na kami!  Ano bang klaseng  Commssioner yan? Negosyante naman sya at para kaming inaalisan na ng mga negosyo kawawa naman ang pamilya namin. Tingin sa aming negosyante ay smuggler lahat?” sabi ng ilang broker sa atin.

Isang negosyante naman ang nagsabi na: “ang hilig daw magpapogi bagsak naman ang collection.”

Isa siya sa binigyan ng pagkakataon  na makapwesto sa administrasyon ni GMA pero anong ginawa nya noong alam niya na di nila kayang paikutin si GMA? Bumaliktad sila.

May nagsabi sa akin na may grupo daw sila na lumalakad sa Duterte administration na manatili pa daw si Lina sa BOC.

Pero mukhang tablado raw agad kay Digong itong si Lina.

Sorry to tell you this,madami akong kausap na opisyal at empleyado ng customs at iisa lang sinasabi kay Comm. Lina.Bolero raw talaga ito.

Ako nga,kaibigan ko yan si Comm. Lina. Magaling at mabait naman siya kaya napaniwala nya ako.Pero okey lang yun after all magkaibigan pa rin kami.

Ang sa akin lang,ay iparating sa kanya ang mga hinaing ng mga broker mga negosyante, empleyado at  opisyal ng customs na nagtatampo sa kanya.

Dagdag pa ng isang broker:” Siya daw ang pinakabolero pagdating sa leadership.”

Anyway,ang masasabi ko lang kay Comm. Bert Lina ay  the best ka pa rin sakin. ‘Yun lang!

***

Isang Dennis louie llosa Tan na nakatalaga sa PID at may mga pending case ang nagbibigay ng kalituhan sa BOC  dahil may isang naka-floating na Dennis Rudy L. Tan assessment  examiner  ang madalas mapagkamalan  at walang kaso at matagal nang naka-leave.

Paglilinaw lang po, si examiner Dennis Rudy Tan ay clear ang pangalan. Ang maraming kaso ay si Dennis Louie Tan na taga-PID. Maliwanag po ‘yan!

***

Bakit biglang  lumitaw si BOC Depcomm. Agaton Uvero sa customs?

Sabi ng source natin,ay nakakapagtaka dahil kapag remaining days daw dyan sa customs ay crucial.

By the way,di ba may brokerage daw siya gaya ni Comm. Lina?

Ang hina nyo naman  yatang mag-isip!

Maraming nagsasabi na dapat paimbestigahan ni incoming BOC Commissioner Nick Faeldon ang lahat ng pinirmahan ni Depcom Uvero. Atty. Tagbas, Comm. Lina na mga Tax credit.lalo na ‘yun pinirmahan ng mga tulisang Abogada diyan sa customs.

Imbestigahan rin ang AMO sa madaming pinalusot na accreditation na ‘tinarabaho’ nina alias AL at isang abogadang payat na sexy.

Itong si tirador alias POLPOL na ang laki ng bahay hanggang 3rd floor sa Las Pinas.Grabe pa ang trucking business nya  kaya obligado magpa-trucking sa kanya mga broker otherwise tatakutin ka nya na bayaran lahat back pay n’yo. Syempre takot ang mga negosyante sa kanya.

Itong mga ‘to ang dapat sampolan agad ng Duterte administration dahil sa ang sobrang corrupt.mayabang at namedropper pa!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *