Friday , November 15 2024

Patong sa ulo ng Balcoba killer/s ismol? (MPD makupad ang aksiyon…)

HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pang ‘masustansiyang’ resulta ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Alex Balcoba.

Si Alex Balcoba ang kasamahan natin sa media na pinaslang sa puwesto ng watch repair ng kanyang misis sa Quiapo, Maynila.

Nakalulungkot na sa kabiserang rehiyon ng bansa ay wala tayong matikas na imbestigador ng pulisya.

At kahit nag-offer pa ng tig-P50,000 (a total of P100,000 or P.1M) sina Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolando Nana at MPD Press Corps president Kiko Naguit, nganga o wala pa rin tayong naririnig na development sa ikadarakip ng suspect/s.

Kunsabagay, hindi pa man napapalalim ang imbestigasyon ‘e nagsa-lita na si MPD PIO chief, Supt. Marissa Bruno.

Wala raw kaugnayan sa pagiging media man ang pagpaslang kay Alex Balcoba. Mas posible raw na may kaugnayan sa pakikipagtalo ng biktima sa isang retired Manila police.

Pero ang nakatatawa rito, noong sabihin ni Kernel Bruno na hindi raw nila puwedeng damputin o arestohin ‘yung retired police kasi walang ebidensiya…

Bwahahahahaha…kanabits!

Paanong nasabing walang kaugnayan ang pamamaslang sa pagiging media man kung wala naman palang ebidensiya?!

Wattafak!?

Madam police superintendent, public information officer pa naman kayo, hindi ba puwedeng pag-isipan muna ninyo ang mga binibitiwan ninyong salita?! Magkakontrang-kontra ‘yung dalawang sinabi ninyo.

Kung ganyan na ang posisyon ng MPD, ano naman ang posisyon ni MPD Press Corps president Kiko Naguit!?

Meron bang maaasahan ang naulilang pamilya ng kasama nating si Alex Balcoba, Mr. Naguit?!

Umaasa at nagmamasid ang mga kaibigan natin, Kiko!

Para kanino ba talaga ang CHR?!

Para nga ba sa human rights ang Commission on Human Rights (CHR)?

E bakit ang dami naman puwedeng imbestigahan na pamamaslang pero mas sinisilip ninyo ang ‘pang-aagaw ng baril’ ng isang rapist/holdaper?

Bakit kaya hindi na lang humingi ng police power ang CHR?!

Para kapag mayroong mga kasong gaya niyan ‘e sa kanila na ipa-handle at hindi sa mga pulis?!

Tutal naman very concern ang CHR na huwag mapatay ang masasamang loob na labis ang prehuwisyong ipinalalasap sa mga kababayan natin na walang kalaban-laban sa mga demonyong gaya nila.

E ‘di mula sa umpisa, kunin na nila ang kustodiya ng mga suspek sa karumal-dumal na krimen.

Baka kapag sila ang inagawan ng baril ng mga pusakal na kriminal ‘e maawa sila. Baka yakapin at halikan pa nila, kasi naaawa sila.

Hindi kaya puwede ang ganoon?! Ano sa tingin ninyo mga suki?

Ibigay sa kustodiya ng CHR ang mga pusakal na kriminal…

Wanna try, CHR Chairman Chito Gascon?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *