Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, puwede nang bansagang Comedy Princess (Brix, BF ng komedyana)

NAGING box-office success ang Love Is Blind ni KirayCelis with Derek Ramsay kaya binigyan agad nina Mother Lilyat Roselle Monteverde ang young comedienne ng followup movie na I Love You To Death with Enchong Dee under Regal Films.

Marami ang natuwa sa biggest break na ibinigay ng mag-inang Monteverde. Deserving namang maging bida si Kiray dahil totoong nakaaaliw siyang panoorin at magaling sa comedy. May timing lalo na kapag eksena na niya ang kukunan. Walang pakialam kahit ano ang ipagawa sa kanya ng director.

Okay lang kay Kiray na magsirko, mag-tambling kung kinakailangan sa eksena. Ang maganda sa kanya, walang arte sa katawan, palaging ibinibigay ang best for the viewing public para sulit ang kanilang ibinabayad.

Si Kiray ang malaking factor kaya kumita ang Love Is Blind nila ni Derek. Super kaming nag-enjoy sa panonood sa nasabing pelikula. Tunay nga siyang alagad ng sining. Masasabi naming si Kiray ang Young  Comedy Princess ng bagong henerasyon.

Sabi nga ng yumaong blockbuster director na si Wenn V. Deramas na nakatrabaho ni Kiray sa TV at pelikula, marami pa ng puwedeng ibigay si Kiray pagdating sa comedy. Bilib si Direk Wenn sa kanya kaya madalas niya itong kunin sa TV at pelikula.

Palibhasa magaling na comedienne si Kiray  kaya napansin ang husay niya. Nagbunga  ang pagtitiyaga niya na maging isang sikat na artista.

Bida na siya ngayon sa pelikula nila ni Enchong. Unti-unti ng nararating ng young star ang kanyang mga pangarap.

Brix, BF ng komedyana

Masasabing blessed si Kiray, umaariba ang career at happy sa kanyang love life sa piling ng kanyang babe na si Brix, personal  assistant ni Direk Deramas. Guwapo, simpatiko at tipong artistahin ang dating.

Para kina Kiray at Brix, gusto nilang maging private ang kanilang personal life para raw walang intriga kaya never ipinagmalaki ng dalaga na may boyfriend na siya. Tanggap ng parents ni Kiray ang relationship nila ni Brix.

Kilala namin ng personal ang dyowa ni Kiray, mabait ito, maunawain at very supportive sa kanya . At first, hindi kami makapaniwala na boyfriend ni Kiray si Brix. Akala namin nagbibiro lang ang kausap namin. Mismong si Direk Wenn ang nag-confirm na mag-dyowa nga ang dalawa.

Inamin ni Brix na sila na nga ni Kiray pero ayaw nilang ipag-ingay dahil baka maapektuhan ang showbiz career ng dalaga. Years na rin silang magkarelasyon.

Naiintindihan ni Brix ang status ni Kiray.  Kailangan nitong magtrabaho para sa pamilya at sa magandang kinabukasan ng kanyang mga kapatid. Maka-pamilya rin si Brix kaya nauunawaan niya ang dalaga.

Sabi nga ni Brix, ‘yung kagandahan ng puso ni Kiray at pagiging totoo sa sarili ang nagustuhan niya rito.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …