Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaduda-duda

MARAMI ang mga nagdududa sa ikinukuwento ng papasok na pinuno ng Philippine National Police na si Chief Supt. Ronald Dela Rosa na nag-ambag-ambag daw ang mga nakabilanggong drug lords ng P1 bilyon para sa kanyang ulo at sa ulo ni President-elect Rodrigo Duterte.

Isa sa mga nagpahayag ng pag-aalinlangan ay si Msgr. Robert Olaguer, tagapagsalita ng Bureau of Corrections.

Aniya, wala siyang kompirmasyon kaugnay ng mga pahayag ni Dela Rosa at ultimo ang PNP ay walang masabi tungkol doon.

Si Msgr. Olaguer ay matagal nang pari na naglilingkod sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison na kinapipiitan ng mga sentensiyadong drug lord. ‘Ika nga alam niya ang pasikot-sikot sa loob at kung totoo na nagpulong ang drug lords para maglaan ng pera upang mailigpit si Dela Rosa at Duterte dahil sa kanilang anti-drug campaign ay malamang na malalaman niya iyon.

* * *

May mga naniniwala na ang pahayag ni Dela Rosa ay bahagi ng isang komplikadong iskema kaugnay nang balakin ng papasok na administrasyong Duterte na ibalik ang parusang kamatayan. Kapuna-puna na matapos magpahayag si President-elect Duterte na magbibigay siya ng pabuya sa sino man na makapapatay ng drug lord o mga tulak ng ipinagbabawal na droga ay saka lumabas ang pahayag ni Dela Rosa.

Malinaw daw na kumukuha ng simpatya si Dela Rosa, isang paraan para maging katanggap-tanggap sa bayan ang kanyang pag-eendoso sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Nauna na rito, binanatan ni Duterte ang simbahang Katoliko Romano at ang media, mga institusyong kritikal sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Kung ma-discredit ang simbahan at media ay tinataya ng grupo ni Duterte na hindi na sila magiging hadlang sa panukala na ibalik ang parusang kamatayan.

* * *

Ibig kong batiin ang aking High School classmate at kinakapatid na si Doc Joselito De Guzman – maligayang kaarawan kapatid. Dalangin ko ang iyong patuloy na pananagumpay at harinawa ay manatiling kang malusog. Mabuhay ka kapatid ko…mabuhay ka classmate.

* * *

Maraming kabataan ngayon ang nagiging mataba at nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …