Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo, nadi-distract sa titig ni Janella

00 fact sheet reggeeSA nakaraang grand presscon ng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador ay tinanong sila kung may pressure na ihambing sila sa mga sikat na loveteam ng ABS-CBN tulad ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Unang sumagot si Elmo, “siyempre po, we don’t really want to compare. We all have different iba naman po ‘yung ano namin.

“Iba-iba yung maio-offer namin and qualities, I guess baby steps lang po muna ‘yung sa amin.

“Me and Janella, I think what we can offer is music, big factor nga sa love team namin.”

Willing naman daw silang i-embrace ang competition bilang pang-apat na team-up.

Samantala, natanong din si Elmo kung wala ng ilangan sa kanila ni Janella kapag may mga eksenang kailangan nilang maging sweet o magtitigan.

Nagulat ang lahat dahil nahirapang sagutin ng batang aktor ang tanong, kasi pala ay may nararamdaman siya. “Sige, huwag na lang (ayaw sabihin sana ni Elmo) minsan nahihirapan, especially sa tingin scenes. Like, you tend to stare at her talaga, eh. Parang mahirap na matapos ‘yung scene na maayos,” pagtatapat ng aktor.

Aminadong nadi-distract si Elmo kay Janella kapag nakatitig din dahil, “nadi-distract ako, kasi tumatawa ka, eh,” sabi nito sa dalaga na nakatingin sa kanya ng sandaling iyon.

Katwiran naman ni Janella, “kasi may scenes na natatawa kami.

“Sometimes nahihirapan kaming mag-eye to eye kasi nagtatawanan kami.”

Nabanggit din ni Elmo na talagang kinilig siya sa eksenang nagkabanggaan sila ni Janella sa Shibuya Crossing.

“Parang it was so surreal that I was doing a scene sa Shibuya Crossing. Wala na akong inhibitions when I was doing the scene.

“Tapos pagkabangga ko talaga kay Janella, I felt like na hindi siya acting.

“Like something na natural that happened, kaya rin po noong napanood namin kinilig din ako,” kuwento ng binata.

Samantala, mapapanood na ang Born For You sa Lunes, Hunyo 20 handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jon Villarin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …