Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, malihim sa buhay pag-ibig

00 fact sheet reggeeHINDI open si Coco Martin pagdating sa kanyang lovelife at kahit daw sa mga ka-close nito ay hindi siya nagkukuwento katulad ni direk Malu Sevilla na minsan ay kinausap na siya ng sarilinan.

“Wala, malihim si Coco pagdating sa lovelife, sabi ko nga, ‘si Julia (Montes) na ba’ tapos tatawa lang si Coco, sabi niya, ‘eh, bata pa, direk’ kaya sa tingin ko, walang lovelife si Coco, kung mayroon man, hindi siya nagsasabi sa akin,” kuwento ni direk Malu.

Nabanggit namin kay direk Malu nang makita namin sa ELJ Building kamakailan na sa huling panayam ng entertainment press kay Julia Montes sa sa book two ng Doble Kara ay hindi nito inamin ng diretso na may mutual understanding sila ni Coco dahil sa sagot nito sa tanong kung sila na ba ng aktor, “si Coco na lang po ang tanungin ninyo, ayokong sa akin manggaling.”

Nagulat si direk Malu, “ah talaga, baka. Wala, eh, malihim itong si Rodel (tunay na pangalan ng aktor), baka ayaw niyang pag-usapan sa set namin kasi baka mawala concentration niya or tuksuhin siya. Ano kasi ‘yang si Coco ‘pag nagtrabaho, sobrang intense, talagang focus siya.”

Baka kasi hindi pa handa si Julia kaya hindi muna nagsasalita si Coco? Hinahayaan muna niya ang dalagang umariba pa ang career tutal bata pa naman at higit sa lahat, mabenta pa rin naman ang aktor ngayon lalo’t hataw sa ratings game angFPJ’s Ang Probinsyano sa primetime.

At kung hawak ni Coco ang primetime ay hawak naman ni Julia ang panghapon slot dahil  nananatiling numer one ang serye niyang Doble Kara sa hapon at nakapagtala ng all-time high national TV rating na 20.2% at tinalo ang kapatat naHanggang Makita Kang Muli na nagtala ng 13.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento, unti-unti na ngang hinuhubog ni Alex (Maxene Magalona) ang kasamaan ng anak-anakan nina Kara at Seb (Sam Milby) na si Hannah. Mas lalo pang magiging komplikado ang sitwasyon ngayong nagbabablik sa Sara sa kanilang mga buhay. Magtagumpay kaya si Alex sa kanyang mga plano? Magtuloy-tuloy na kaya ang pagkakaayos ng pamilya Suarez?

Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na Doble Kara,ntuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …