Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kit Thompson

Kit, gradweyt na sa New York Film Academy

00 fact sheet reggeeNGAYONG tapos na si Keith ‘Kit’ Thompson, dating PBB housemate, ng acting course sa New York Film Academy, ano kaya ang next move niya sa kanyang career?

Nag-post kamakailan si Kit na hawak niya ang certificate niya kasama ang teacher niya sa Instagram.

Ayon kay Kit, “with my scene study teacher Rico Rosetti. Graduated from #newyorkfilmacademy.

“Time flies when you’re having fun! I’ll miss everyone dearly. I can’t believe it’s been almost a year since I left the Philippines to pursue my love for acting.

#newyork #stronger.”

Tumulak patungong Amerika ang aktor noong nakaraang taon habang wala pa siyang masyadong ginagawa dahil gusto raw niyang mag-aral ng acting na hinayaan naman siya ng manager niyang si Erickson Raymundo dahil sa ikauunlad naman ito ng alaga niya.

Habang wala sa Pilipinas si Kit ay parati naman siyang napapanood sa telebisyon dahil  patuloy na umeere ang Sprite TVC kasama si Ritz Azul na kung hindi kami nagkakamali ay pangalawang version na ito at nauna ‘yung pawang mga modelo ang kasama na ang famous line niya ay, “sasamahan kita sa lahat” dahil ang girl na leading lady niya ay nagpapasama sa mga nanliligaw sa kanya.

Pauwi na ng bansa si Kit sa Hulyo, pero sandali lang yata siya sa Pilipinas dahil gusto niyang ituloy ang acting career niya sa Hollywood na nauna si Sam Milby na subukan ito.

Malalaman pa sa susunod na buwan kung mananatili si Kit sa bansa o hindi base sa pag-uusapan nila ng manager niyang si Erickson.

Huling napanood si Kit sa Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …