Monday , December 23 2024

High School dropout dumami sa K-12 Program

MARAMING mga magulang ang hanggang ngayon ay hindi resolbado kung paanong tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dalawang taon sa 10 taon na pag-aaral mula sa elementary hanggang high school o ‘yung tinatawag na K-12 program ng Department of Education.

Sa ilalim ng K-12 program, ang isang estudyante ay kailangan mag-aral nang isang taon sa Kindergarten, 6 na taon sa elementary, apat na taon sa junior high school at dagdag na dalawang taon sa senior high school.

Noong araw kapag ang isang estudyante ay naka-graduate nang high school, maaari na silang makapagtrabaho sa mga mall, sa opisina na nangangailangan ng mga messenger, maliliit na clerical job at  iba pang trabaho gaya ng utility.

Kaya nagtataka tayo kung ano ba ang pagkakaiba na sinasabing kapag nakatapos daw ng  senior high school, ‘e magiging employable na.

‘E ganoon din naman kapag naka-graduate sa 4-year high school ‘di ba?

Pabor tayo sa sinabi kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV sa nangungunang media forum ngayon na KAPIHAN sa Manila Bay sa Café Adriaticio, sa Malate, Maynila.

Sa simula’t simula ay tinututulan ni Sen. Trillanes ang implementasyon ng K-12 program dahil wala siyang nakikitang bentaha para sa kabataang Filipino, kundi lalo pang magpapabagal sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.

Noon pa man, nakita na ni Sen. Trillanes na dagdag-gastos lang ito para sa gobyerno.

At hindi nga siya nagkabisala.

Maraming magulang ang nataranta at lalong naguluhan nitong enrolment para sa senior high school (SHS).

Kung dati, kakulangan ng upuan, silid-aralan at guro ang problema ng bawat paaralan tuwing pasukan, sa pagpasok ng SHS  higit na lumaki ang high school dropout rates.

Ang hindi natin maintindihan dito, para mapagtakpan ng DepEd ang kanilang kapalpakan, naglabas sila ng voucher (isang sistemang dole-out) para makapag-enrol ang mga nanggaling sa public school bilang transferee sa private schools.

In short, ang pondo ng gobyerno ay napunta sa private schools sa balatkayong pagmamalasa-kit sa mahihirap na estudyante.

Kaya naman palang mag-abono ng DepEd para sa tuition fee ng SHS, bakit hindi nila ginawa noon sa high school graduates na hindi makapag-enrol sa kolehiyo dahil hindi kaya ng mga magulang?!

Sa pagpapatuloy ng implementasyon ng K-12, kitang-kita na pabor sa interes ng komersiyalisadong private schools ang kabuuang programa.

Nag-abono ang DepEd para kumita ang private schools pero hindi kayang maglabas ng pondo para sa high school graduates na hindi makapasok sa kolehiyo?!

Wattafak!

Sabi nga ni Sen. Trillanes, 50 porsiyento ng 1.4 milyong estudyante para sa SHS ang nakapag-enrol.

Kung kukuwentahin ang ipinaluwal na voucher ng DepEd para sa SHS enrolees, kompara kung ito ay inilaan sa mga estudyanteng dapat ay nagkokolehiyo na, ano kaya ang ganansiya o kabutihang maidudulot nito sa ating mga kabataan na tinaguriang pag-asa ng bayan?!

Sa ganang atin, ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng papasok na Duterte Administration dahil sa totoo lang, ang K-12 program ay malaking pag-aaksaya ng pera ng bayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *