High School dropout dumami sa K-12 Program
Jerry Yap
June 16, 2016
Opinion
MARAMING mga magulang ang hanggang ngayon ay hindi resolbado kung paanong tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dalawang taon sa 10 taon na pag-aaral mula sa elementary hanggang high school o ‘yung tinatawag na K-12 program ng Department of Education.
Sa ilalim ng K-12 program, ang isang estudyante ay kailangan mag-aral nang isang taon sa Kindergarten, 6 na taon sa elementary, apat na taon sa junior high school at dagdag na dalawang taon sa senior high school.
Noong araw kapag ang isang estudyante ay naka-graduate nang high school, maaari na silang makapagtrabaho sa mga mall, sa opisina na nangangailangan ng mga messenger, maliliit na clerical job at iba pang trabaho gaya ng utility.
Kaya nagtataka tayo kung ano ba ang pagkakaiba na sinasabing kapag nakatapos daw ng senior high school, ‘e magiging employable na.
‘E ganoon din naman kapag naka-graduate sa 4-year high school ‘di ba?
Pabor tayo sa sinabi kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV sa nangungunang media forum ngayon na KAPIHAN sa Manila Bay sa Café Adriaticio, sa Malate, Maynila.
Sa simula’t simula ay tinututulan ni Sen. Trillanes ang implementasyon ng K-12 program dahil wala siyang nakikitang bentaha para sa kabataang Filipino, kundi lalo pang magpapabagal sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Noon pa man, nakita na ni Sen. Trillanes na dagdag-gastos lang ito para sa gobyerno.
At hindi nga siya nagkabisala.
Maraming magulang ang nataranta at lalong naguluhan nitong enrolment para sa senior high school (SHS).
Kung dati, kakulangan ng upuan, silid-aralan at guro ang problema ng bawat paaralan tuwing pasukan, sa pagpasok ng SHS higit na lumaki ang high school dropout rates.
Ang hindi natin maintindihan dito, para mapagtakpan ng DepEd ang kanilang kapalpakan, naglabas sila ng voucher (isang sistemang dole-out) para makapag-enrol ang mga nanggaling sa public school bilang transferee sa private schools.
In short, ang pondo ng gobyerno ay napunta sa private schools sa balatkayong pagmamalasa-kit sa mahihirap na estudyante.
Kaya naman palang mag-abono ng DepEd para sa tuition fee ng SHS, bakit hindi nila ginawa noon sa high school graduates na hindi makapag-enrol sa kolehiyo dahil hindi kaya ng mga magulang?!
Sa pagpapatuloy ng implementasyon ng K-12, kitang-kita na pabor sa interes ng komersiyalisadong private schools ang kabuuang programa.
Nag-abono ang DepEd para kumita ang private schools pero hindi kayang maglabas ng pondo para sa high school graduates na hindi makapasok sa kolehiyo?!
Wattafak!
Sabi nga ni Sen. Trillanes, 50 porsiyento ng 1.4 milyong estudyante para sa SHS ang nakapag-enrol.
Kung kukuwentahin ang ipinaluwal na voucher ng DepEd para sa SHS enrolees, kompara kung ito ay inilaan sa mga estudyanteng dapat ay nagkokolehiyo na, ano kaya ang ganansiya o kabutihang maidudulot nito sa ating mga kabataan na tinaguriang pag-asa ng bayan?!
Sa ganang atin, ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng papasok na Duterte Administration dahil sa totoo lang, ang K-12 program ay malaking pag-aaksaya ng pera ng bayan.
Magkano ang kinikita ng MTPB sa illegal parking sa Plaza Lawton?
Kumikita ba ang Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) o ang Manila city hall sa namamayagpag na illegal parking sa Plaza Lawton na pinagrereynahan ng isang Reyna L. Burikak?!
Marami ang nagpapatanong sa atin para sa MTPB dahil nagtataka sila kung bakit patuloy pa rin na namamayagpag ang illegal parking diyan sa Lawton?!
May butaw na sa illegal terminal, may kinikolektong rin sa mga kolorum na UV express.
Kahit sino raw kasi ang kausap nitong si Reyna L. Burikak ‘e ipinagmamalaki na hindi siya matitinag dahil nagpapadala siya ng P.2-M koleksiyon sa isang opisina diyan sa Manila City Hall.
Ang laking kuwarta sana kung pinakikinabangan ng mga Manilenyo at kung pumapasok sa kaban ng Maynila.
Kaninong opisina kaya sa City Hall idini-deliver ni Reyna L. Burikak ang P.2-M kada linggo?!
Sa 2nd floor ba o sa 3rd floor o sa ground floor?
Alam kaya ni Yorme Erap ‘yang katarantaduhan ni Burikak?!
Kinawawa ang isang HIV victim ng isang arkiladong manunulot
Dear Sir Jerry,
Dati po akong manager sa isang club sa Pasay City.
Parang kilala ko po kasi ‘yung sinasabi ninyong arkiladong manunulot na nagtitiyagang uminom ng libre pero tira-tirang serbesa sa mga club sa Roxas Boulevard.
Kilala po sa mga club at beer houses ‘yan, kasi masyadong garapal.
Ang gusto po niyan, pagpasok niya sa club lalapitan agad siya ng manager. Kapag hindi nilapitan, nag-iingay na at nananakot. Kung tutuusin po, kaya naman siyang ipabugbog sa mga bouncer, kaya lang naaawa rin po ‘yung manager.
‘Yan pong si sungay na arkiladong manunulot, nakakaawa raw po kasing patayin pero nakakainis buhayin. Sobrang malnourished po kasi niyang tinutukoy ninyong arkiladong manunulot. Payatot na kalbo, nanunuyo ang labi at bitak-bitak at malamyang-malamya kumilos na parang hindi nakakatikim ng energy foods.
Minalas nga po ‘yung HIV/AIDS victim na pumatol diyan, kasi akala niya matutulungan siya para maipagamot kasi marami raw kilala sa DOH, ‘yun pala naibugaw pa.
Ang balita namin, ibinugaw ng arkiladong manunulot sa mga Hapon ‘yung HIV/AIDS victim diyan sa isang Japanese Club sa Malate.
Kaya hindi kami nagtataka kung bakit pati hukluban pinapatulan niyan. Yaks! Kadiri talaga!
Ang balita nga namin nakakadena daw po ngayon ‘yan sa pundia ng isang laos na mambabayag sa Mehan Garden. Kaya hayun, namumutla at namamanas na ang mukha.
Bihira kasing masikatan ng araw dahil laging nakasuksok sa pundia ng huklubang mambaba-yag sa Mehan Garden.
Sige po, dito muna Sir Jerry. Sa susunod po ikukuwento namin kung paanong umurong ang bayag niyan nang makulong sa Pasay City Jail.
Sumasainyo,
Sarah Jane ng Pasay City
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com