Bobo1: P’re ang sikip naman ng higaan!
Bobo2: Oo nga! Sa sahig muna ‘yung isa!
Bobo3: Ha? E sinong lilipat sa sahig?
Bobo1: P’re ikaw n lang!
(Sabi kay Bobo3)
Bobo2: Sige na! Lipat na!
Bobo3: Oo na!
(Lumipat na sa sahig si Bobo3)
Bobo1: Pare dito ka na ulit! Maluwag na!
***
Sorry corneto
Husband: Lagi na lang tayo nag-aaway maghiwalay na nga tayo!
Wife: Sige, maghati tayo ng mga anak!
Husband: Akin ang guwapo at maganda
Wife: Sus! Pinili pa ‘yung hindi kanya!