Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, next leading man na pangarap ni Kiray

00 fact sheet reggeeTARAY ni Kiray dahil may say siya kung sino-sinong leading man ang gusto niyang makasama sa mga pelikulang gagawin niya sa Regal Entertainment. Nauna na rito sina Derek Ramsay para sa Love Is Blind at Enchong Dee sa I Love You To Death na mapapanood na sa Hulyo 6 mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Isa sa mga kahilingan at pangarap ni Kiray ay ang long time crush niyang si Sam Milby na hindi malayong mangyari dahil may options naman ang aktor na gumawa ng pelikula outside Starcinema.

Kumita ang pelikula nina Sam at Jennylyn Mercado sa Regal Entertainment na may titulong The PreNup na idinirehe ni Jun Lana.

Nabanggit na raw ni Kiray kay Mother Lily Monteverde si Sam at hoping na puwede ang aktor na busy ngayon sa tapings ng seryeng Doble Kara.

“Alam naman ng lahat na crush ko si Sam, inaamin ko naman ito noon pa, vocal talaga ako kung sino crush ko. Kaya sana makasama ko siya (Sam),” saad ni Kiray.

Sa nakaraang presscon ng I Love You To Death ay naihambing si Kiray  kay Jennylyn kaya natanong ang komedyana kung ang GMA actress ang peg niya na pawang guwapo ang leading man?

Sabi ni Kiray, “oo nga may nagtanong sa akin niyan, parang si Jennylyn daw ang peg ko, parang ang layo ko naman kay Jen. Ang dami na niyang napatunayan.

“Wala akong peg, gusto ko sarili ko lang, wala akong gustong sundan pero ang idolo ko sa pagiging komedyana ay sina Eugene Domingo at Ai Ai de las Alas.

“Pero hindi ko sila gustong sundan kasi hindi ko sila masusundan kahit anong mangyari, hindi ko kaya ‘yun, gagawin ko ang lahat para sa akin, gusto ko makilala ako bilang Kiray Celis hindi dahil peg ko si Eugene o si Ai Ai.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …