Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, tinanggihang maging Hashtags member

HINDI na kami nagulat when Richard Parojinog, also known as Mr. Pastillas is trying showbiz.

After winning the Mr. Pastillas title at na-link kay Ms. Pastillas, Angelica Yap, naging matunog ang pangalan ni Richard. Kahit paano, may name recall ang kanyang pangalan at napasikat naman siya ng It’s Showtime.

Aminado si Richard na his few dates with Angelica did not lead to anything romantic. They have just become friends.

“But we have remained friends. Mayroon naman kaming communication. Nagkukumustahan naman kami, nagte-text pero hindi na masyadong frequent ngayon,” say Richard who is not trying his luck in showbiz.

Inalok pala si Richard ng Viva Films para maging artista pero nothing concrete came. Inalok din siyang maging member ng Hashtags but he politely turned it down.

“Hindi kasi ako marunong magsayaw,” say niya.

Realistic si Richard. Alam niya ang kanyang kapasidad bilang emerging actor.

“Mas gusto kong maging character actor kasi wala naman akong pag-asang maging heartthrob,” say niya.

Actually, talented naman si Richard. Nakakakanta naman siya. Growing up, nahiligan niya ang music at nakapag-perform na naman siya in the past.

For now, this HRM graduate is into acting workshops. Kailangan ding hasain niya ang kanyang dila sa Filipino.

Good luck Richard. Welcome to showbiz.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …