Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Magandang aktres patuloy na pinipendeho ang live-in partner na kilalang negosiyante (Nagpahinga lang raw pala)

ANG buong akala namin natakot o nagtanda na ang isang magandang aktres nang balaan ng mayamang negosiyanteng live-in partner na hihiwalayan siya kapag hindi tumigil sa kaniyang pakikipaglandian sa ibang lalaki.

Pero kamakailan, base sa natisod naming kuwento mula sa kasamahan sa media ay balik raw sa kakatihan ang aktres at ang latest na kaulayaw sa kama ay maimpluwensiyang Chinese businessman na naugnay na rin sa mga kilalang celebrity.

Sabi, twice a week raw kung mag-check-in si controversial actress at ang lover. Ang alibi raw sa kanyang longtime partner ay gumigimik lang siya kasama ang kanyang circle of friends.

Paniwalang-paniwala naman ang tinutukoy nating businessman pero wala siyang kamalay-malay na pinipendeho na naman pala siya ng babaeng minamahal.

Kasing kati ng higad gyud!

Idol ng masa patuloy sa pagkakawanggawa
COCO NAGBIGAY NG TULONG SA 800 ESTUDYANTE SA BULACAN

Nagdala ng saya at tulong ang bida ng nangungunang primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin sa paglunsad niya ng kampanyang “Saludo sa Pamilyang Pilipino, Oplan Balik-Eskwela 2016” sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Lunes (June 13).

Personal na dumating si Coco sa Paradise Farm Elementary School sa San Jose Del Monte at nagkaloob ng 800 school bags na naglalaman ng school supplies, kapote, tsinelas at iba pang mga kagamitan sa paaralan.

Nag-donate rin siya ng 18 units ng electric fans at ilang kahon ng teaching aid para sa mga guro. Dahil sa busilak na kalooban ng Kapamilya actor, lubos ang naging pasasalamat ng mga mag-aaral at mga guro para sa tulong na kanilang natanggap na kanilang magagamit para mas mapaayos ang kanilang paaralan.

“Sana marami pa kaming matulungan. Malapit sa puso ko ang mga nag-aaral sa public school kasi laking public school ako. Sana lang talaga, marami pa akong time na maibigay para ibang public schools naman ang mapuntahan namin,” masayang saad ng award-winning actor.

Kasama rin niyang nag-abot ng donasyon sa mga bata ng San Jose Del Monte ang Dreamscape management sa pangunguna nina Deo Endrinal, Biboy Arboleda, Dagang Vilbar at iba pang staff ng FPJ’s Ang Probinsyano at Dreamscape unit.

Naging posible ang charity event sa pagtutulungan ng Dreamscape Television Entertainment at ABS-CBN Integrated Public Service.

Julia nagrereyna pa rin sa hapon,
RATING NG DOBLE KARA ALL-TIME HIGH SA RATING NA 20.2%

Hindi pa rin natitinag sa pangunguna sa hapon ang teleseryeng pinagbibidahan ni Julia Montes na “Doble Kara” na muling nagtala ng all-time high rating kamakailan.

Mas maraming mga manonood ang naho-hook sa kuwento ng kambal na sina Sara at Kara (Julia Montes) kaya naman nitong Huwebes (June 9) ay pumalo sa all-time high national TV rating na 20.2% at madaling tinalo ang katapat nitong palabas na “Hanggang Makita Kang Muli” na nakakuha lamang ng 13.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, unti-unti na ngang hinuhubog ni Alex (Maxene Magalona) ang kasamaan ng anak-anakan nina Kara at Seb (Sam Milby) na si Hannah. Mas lalo pang magiging komplikado ang sitwasyon ngayong nagbabablik si Sara sa kanilang mga buhay.

Magtagumpay kaya si Alex sa kanyang mga plano? Magtuloy-tuloy na kaya ang pagkakaayos ng pamilya Suarez?

Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na “Doble Kara,” tuwing hapon pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …