Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, suportado ang pagiging beki ni Aura

00 fact sheet reggeeINTERESTING talaga ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa bawat episode na ineere ay sakto sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa kapaligiran.

Noong Sabado lang nabalita ang nangyaring Orlando (Florida) massacre na namatay ang 50 katao at sugatan naman ang 53.

Ayon sa report, homophobic daw ang taong namaril at nakapatay at base naman sa kuwento ng ex-wife ay mentally ill ang ama ng kanyang anak.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil tungkol naman sa pagiging bakla ni Mac Mac (Mcneal “Makmak” Briguela o Aura) ang episode ng Ang Probinsyano noong Lunes ng gabi dahil inamin na ng bagets sa pamilyang nag-aaruga sa kanya ang ukol sa kanyang tunay na kasarian.  Tinanggap naman siya at pinayuhan pa na dedmahin ang mga nanunukso.

Kaya ngayon ay hindi na closet gay si Mac Mac dahil nakakikilos na siya ng malaya at suportado siya nina Cardo (Coco Martin) at pamilya nito.

Samantala, masuwerte ng 800 estudyante ng Paradise Farm Comunity School sa San Jose del Monte, Bulacan dahil binigyan sila ng gamit ni Coco.

Saludo sa Pamilyang Pilipino Oplan Balik-Eskwela 2016 ang teaser ng Ang Probinsyano.

Taon-taon ay ganito ang ginagawa ni Coco na nagbibigay ng mga gamit pang-eskuwela sa mga bagong mag-aaral na papasok sa pampublikong paaralan, kumbaga naipangako na ito ng aktor sa sarili na sa tuwing pasukan ay maglalaan siya ng oras para sa future heroes ng ating bansa.

Sabi nga ng actor, maliit na bagay kung tutuusin ang ipinamahagi niyang ito kung ikukompara sa blessings na natatanggap niya sa araw-araw lalo na sa programa niyang Ang Probinsyano na nagtala ng 35% sa Metro Manila, 48.8% naman sa Rural at 43.6% naman nationwide.

Bukod kay Coco, kasama rin sina Maja Salvador, Arjo Atayde, Agot Isidro, Albert Martinez, at Ms Susan Roces kasama pa ang ibang sumusuporta ng programa lalo na sina Mac Mac at Onyok.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …