TALAGA palang generous si Coco Martin.
Napaligaya niya ang 800 na estudyante (mula sa Paradise Farm Elementary School) recently sa San Jose Del Monte, Bulacan nang mamahagi siya ng school supplies.
“Ang saya-saya mag-organize at mag-host ng charity event. Iba ang ibinibigay na saya. Though instrument lang naman kami ni Coco Martin, feeling nakatulong na rin kami. Thank you LORD for good people na talagang may kakayahang makapagbigay sa mahihirap. Eight hundred pieces of school bags, school supplies, raincoats, slippers, 18 electric fans, and boxes of teaching aid for the teachers. Thank you, Mother Biboy J Arboleda sa palafang sa 800 children and teachers sa Paradise Farm Elementary School sa San Jose del Monte, Bulacan.”
‘Yan ang post ni Eric John Salut sa kanyang Facebook account.
It’s no wonder kung bakit blessed itong si Coco. Kaya naman siya pinagpapala, ang taas-taas ng rating ng kanyang soap na Ang Probinsyano na palaging more than 40% always ang rating.
UNCUT – Alex Brosas