Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Born For You, hawig ng Serendipity

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Born For You advance screening na napanood namin noong Sabado ng gabi sa Trinoma Cinema 7, nagandahan kami sa isang linggong episode dahil nakitaan kaagad ng kilig sina Elmo Magalona at Janella Salvador at ang bilis ng pacing, hindi na pinatagal pa ng Dreamscape Entertainment ang back story noong mga bata pa ang dalawang bida.

Kaya naman pagkatapos ng palabas ay binati namin ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal at sinabi naming ‘havey’ ang Born For You at kakaiba ang gimik nilang ‘red strings.’

Ang red strings ang nag-uugnay kina Elmo at Janella ayon sa paniniwala sa bansang Japan at base sa paliwanag ng matandang Haponesa na nakapanayam ay nagsabing totoong nangyayari ito sa kanila.

Iikot ang kuwento ng Born For You sa bawat lyrics ng kanta na ang buod ay destiny para sa mga bidang sina Kevin (Elmo) at Sam (Janella).

Tila may pagkakahawig ang Born For You sa foreign movie na Serendipity nina John Cusack at Kate Beckinsale na ipinalabas noong 2001 na sa unang pagkikita palang nila sa Blommingdale ‘s habang bumibili ng cashmere black gloves ay may naramdaman na kaagad sina Elmo at Janella sa isa’t isa.

Ibinigay ni Kate kay John ang kanyang contact number kaya isinulat niya ito sa $5 bill na nilipad-lipad naman ng hangin.

Ang $5 bill ang nag-uugnay kina Jonathan (John) at Sara (Kate) dahil sa kalaunan ay nakita rin nila ito samantalang ang red strings naman kina Elmo at Janella.

Ganito rin ang paniniwala ng mga nakaranas na nito tulad ng magulang ni Janella na sina Bernard Palanca (Buddy) at Vina Morales (Cathy) na sa Japan din nagsimula ang relasyon dahil doon sila nagso-show.

Big scene kaagad ang pilot week ng Born For You na kinunan sa Japan habang naglalakad sina Elmo at Janella sa Shibuya crossing na magkakasalubong sila at dito na nagsimula ang kanilang love story.

Back story ay nanirahan sa Japan ang mag-inang Vina at Janella simula nang namatay ang padre de pamilyang si Bernard at para makakuha ng citizenship ay nagpakasal si Cathy (Vina) sa isang Hapon na siyang tumulong din para makapunta ng Japan ang anak nitong si Sam (Janella).

Samantalang si Elmo bilang si Kevin ay may show at video shoot sa Japan kaya siya napadpad doon at nakilala nga si Sam (Janella).

Cute ang first meeting nina Kevin at Sam sa Shibuya crossings dahil nakasabay ng dalaga ang matandang Haponesa na naniniwala sa red strings at nakita niya ang red strings ni Janella na patungo kay Elmo kaya sinabihan ng Haponesa ang dalaga na makakabangga niya ang lalaking nakatakda para sa kanya sa pamamagitan ng red strings.

Grabe ang hiyawan ng fans ni Janella sa unang pagtatagpo nila ni Elmo dahil may kilig talaga, in fairness.

At cute rin ang idea na noong maghihiwalay na sina Kevin (Elmo) at Sam (Janella) ay nagkabuhol-buhol ang cord ng mga headphone nila na kulay pula rin kaya nagkatawanan ang lahat ng nanood.

Hanggang sa hindi na nawala sa isipan ni Kevin si Sam kaya noong muli siyang binigyan ng permisong mamasyal sa Japan at muli silang nagkita sa music store na pareho nilang gustong bilhin ang ukulele case na nag-iisa na lang.

Ganito rin ang eksena sa Serendipity na pinag-aagawan nina John at Kate na cashmere black gloves na iisang pares na lang din sa Bloomingdale’s.

Hanggang sa nagkakilala at nagkakuwentuhan na rin at nagkahiwalay na akala ng dalawa ay imposible na silang magkita kasi nga naman magkaiba sila ng bansang kinalakihan.

At muli silang pinagtagpo sa video shoot ni Elmo na nagkataong si Janella ang naging interpreter dahil ang unang kinuha ay hindi nakarating dahil maysakit.

Puro singers ang cast ng Born For You kaya puwedeng musical at drama ang show programa.

Hindi na kasi masyadong kinakagat ng mahihilig sa teleserye ang heavy drama na wala namang kapupuntahan, gusto nila ay light lang at napapanood din nilang puwedeng kumanta ang mga bida maliban kina Ogie Diaz at Jai Agpangan na hindi singers.

Mapapanood na ang Born For You sa Hunyo 20 kapalit ng The Story of Us mula sa direksiyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …