NATUWA si Toni Gonzaga sa kanyang leading man sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz.
“Maalaga siya,” sambit ng aktres na ngayon ay nagdadalangtao.
Kampanteng-kampante na si Toni kay JLC sa mga lambingan nila sa sitcom.
“Noong first year, hirap na hirap ako bilang asawa, ‘di ba? Ang hirap talaga, hindi ko mahawakan si Lloydie, hindi ko alam ang himas, ‘yung hagod. Palaging fake ang dating. Siyempre sa romcom naman, kilig lang ang kailangan niyo. Eh, dito, past na kayo ng kilig, nasa level na kayo ng comfort. Doon ako medyo hirap kasi, hindi naman ako sanay. Kaya sabi ko, hindi ko kaya yata talaga, ang hirap palang may asawa. Pero noong nagka-asawa ako, ang sabi nila, alam mo, parang sumu-swak na sa ‘yo. Kasi kahit sila, noong nag-taping ako after five months, six months na may asawa na ko, sabi nila, ‘yung mga hawak ko, marunong ka na may asawa,” bulalas pa niya.
TALBOG – Roldan Castro