Friday , December 27 2024

Lehislatura mariing ipinagtatanggol ni Sen. Ping Lacson

HINDI pa man pormal na nagbubukas ang 17th Congress, mariin nang nagrerehistro si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng pagtutol sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na kung sa isyu ng independensiya ng lehislatura sa ehekutibo.

Aniya, maging si President-elect Rodrigo Duterte ay hindi makapipigil sa trabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Mariing iginiit ni Sen. Ping, trabaho ng Senado at House of Representatives na magsagawa ng ano mang imbestigasyon kung kinakailangan ‘in aid of legislation’ lalo’t buhay ng isang mamamayan ang nakasalalay.

Walang takot na inihayag ito ni Lacson makaraang magbabala si President-elect Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na magtatangkang magsagawa ng imbestigasyon sa kanyang mga nais gawin para wakasan ang talamak na krimen at droga.

“The Congress, particularly the Senate is not like most of the provincial, city or municipal councils. We will conduct investigations in aid of legislation whenever necessary, and nobody, not even the President of the Republic can dictate and stop us from doing our job.”

‘Yan ang matapang na pahayag ni Sen. Ping.

Kahit nasa lehislatura, hayagang sinasabi ni Sen. Ping na hindi nila papayagan ang isang kapaligirang basta na lamang itinutumba o pinapatay ang mapaghihinalaang drug lord.

Hindi nga naman atrasadong bansa o baryo ang Filipinas para hindi makakilala ng batas at katarungan.

Mayroong tamang prosesong dapat sundin bago ideklara na ang isang tao o suspek ay gumawa ng isang krimen o mayroong malalang paglabag sa batas.

Kung pipilitin ni Presidente Digong na ganyan ang mangyari sa bansa, malamang, mabalewala ang pagboto sa kanya ng mahigit 16 milyong Filipino na naniwalang isang makabuluhang pagbabago ang ilulunsad ng kanyang administrasyon.

Let’s wait and see after June 30… for the meantime let’s keep our fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *