Monday , December 23 2024

Lehislatura mariing ipinagtatanggol ni Sen. Ping Lacson

HINDI pa man pormal na nagbubukas ang 17th Congress, mariin nang nagrerehistro si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng pagtutol sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na kung sa isyu ng independensiya ng lehislatura sa ehekutibo.

Aniya, maging si President-elect Rodrigo Duterte ay hindi makapipigil sa trabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Mariing iginiit ni Sen. Ping, trabaho ng Senado at House of Representatives na magsagawa ng ano mang imbestigasyon kung kinakailangan ‘in aid of legislation’ lalo’t buhay ng isang mamamayan ang nakasalalay.

Walang takot na inihayag ito ni Lacson makaraang magbabala si President-elect Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na magtatangkang magsagawa ng imbestigasyon sa kanyang mga nais gawin para wakasan ang talamak na krimen at droga.

“The Congress, particularly the Senate is not like most of the provincial, city or municipal councils. We will conduct investigations in aid of legislation whenever necessary, and nobody, not even the President of the Republic can dictate and stop us from doing our job.”

‘Yan ang matapang na pahayag ni Sen. Ping.

Kahit nasa lehislatura, hayagang sinasabi ni Sen. Ping na hindi nila papayagan ang isang kapaligirang basta na lamang itinutumba o pinapatay ang mapaghihinalaang drug lord.

Hindi nga naman atrasadong bansa o baryo ang Filipinas para hindi makakilala ng batas at katarungan.

Mayroong tamang prosesong dapat sundin bago ideklara na ang isang tao o suspek ay gumawa ng isang krimen o mayroong malalang paglabag sa batas.

Kung pipilitin ni Presidente Digong na ganyan ang mangyari sa bansa, malamang, mabalewala ang pagboto sa kanya ng mahigit 16 milyong Filipino na naniwalang isang makabuluhang pagbabago ang ilulunsad ng kanyang administrasyon.

Let’s wait and see after June 30… for the meantime let’s keep our fingers crossed.

Police assets bakit itinutumba?!

‘Yan po ang ipinagtataka namin.

Bakit inuunang ubusin ang mga police assets na hindi naman lantad na nagtatrabaho?!

Dahil ba natatakot ang mga police ‘ituga’ sila ng kanilang mga asset kaya inuunahan na nila?!

Ganyan po ngayon ang iniisip ng mga nakasasaksi sa walang habas na tumbahan matapos ideklara ni Presidente Duterte na full force ang pagsugpo nila sa illegal na droga.

Kumbaga, nagkanya-kanyang epal at sipsipan na huwag lamang mabisto ang kanilang partisipasyon sa illegal na droga.

Mangyari pa kaya ‘yan kapag naupo nang Presidente si Mayor Digong?!

Abangan natin ang mga susunod na tumbahan ‘este’ kaganapan.

DepEd Sec. Armin Luistro panagutin sa 10%! tuition fee hike!

Mantakin naman ninyo ang proteksiyon ni Secretary Armin Luistro sa mga pribadong eskuwelahan?!

Hindi sa mag-aaral ng pampublikong paaralan!

Wattafak!

Kaysa pakinggan ang hinaing ng mga magulang na hilahod na sa taas ng tuition fee at ngayon ay nagtaas na naman ng 10%, tila nagtaingang-kawali lang si Luistro saka itinuloy ang pagpuri sa K-12.

‘Yan si Secretary Lusitro, kalihim ng edukasyon na ang pundasyon ay mula sa mga pribadong paaralan na grabe ang taas ng tuition fee.

Lalayas na lang nag-iwan pa ng grabeng pagpapahirap sa mga magulang at mag-aaral…

Kailan ka ba mauuna Secretary Luistro?

Mauna ka na…

Mauna ka nang mag-resign!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *