Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P123.8-M unliquidated confidential funds iniwan ni Ex-Sec. Leila de Lima sa DOJ

HULING KABIT man si Senator-elect Leila De Lima sa nakaraang halalan, dahil hindi na siya naipagpag sa ika-12 puwesto, ‘e mukhang sasakit naman ang kanyang ulo sa iniwan niyang P123.8 milyones na unliquidated confidential funds.

‘E parang naririnig na natin ang isasagot ni Madam Leila diyan.

Confidential nga ‘e, bakit kailangan i-liquidate?!

Wahahahaha! Konting patawa lang po.

Pero sa totoo lang, gusto natin i-request kay Madam Leila, paki-explain Madam, bakit ang laki nang hindi ninyo nai-liquidate na confidential funds?

Saan ba ninyo ginamit ‘yan?

At sino ‘yang mga herodes na ‘special disbursing officers’ na hindi nag-liquidate pero namunini sa pondong ‘yan?!

Hindi ba’t klaro na ‘injustice’ sa samba-yanan kapag hindi maipaliwanag kung saan napunta ang pondo mula sa taxpayers’ money?!

Kung pagbabatayan ang report ng Commission on Audit (COA) parang nagmamadali ang DOJ na ubusin ang P123.8 milyones kasi kahit hindi pa naili-liquidate ng SDO ang unang pondo na nakuha niya, e puwede pa rin mag-cash advance?!

Sa beripikasyon at pagsusuri ng COA nabatid na mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2015 ang cash advances sa ilalim ng CF na ibinigay sa SDOs ay P173,755,064.92.

Pero sa halagang ito, halos P49,943,081.57 lamang ang nai-liquidate?!

Aba, ano kayong mga SDO, katiwaldas ng minamadaling ubusing pondo?!

Wattafak!

Ibang-iba ka talaga Madam Leila. I-explain po ninyo ‘yan sa taong bayan!

Pamilya Balcoba bigo sa MPD police

PASINTABI sa paglalakbay ng kaluluwa ni Alex Balcoba, pero natawa talaga tayo at muntik mahulog sa upuan nang sabihin ni Manila Police District (MPD) spokesperson, Supt. Marissa Bruno, na hindi media killings kundi alitan sa isang dating police ang rason ng pamamaslang.

Okey na sana, medyo parang nasabi natin, oy, nag-imbestiga ang MPD.

Kaya lang nawindang tayo nang sabihin ni Kernel Bruno na hindi raw nila puwedeng imbitahan ‘yung dating pulis na nakaalitan ni Alex Balcoba, dahil wala namang ebidensiya.

Wattafak!

‘E paano po ninyo nasabi, Madam Kernel Bruno na hindi media killings ang kaso ng pamamaslang kay Mr. Balcoba kung wala naman pala kayong ebidensiya?!

Arayku!

Spokesperson po kayo Madam Kernel, puwede bang pag-isipan muna ninyo ang bibitawan ninyong mga salita?!

Mukhang sa iyo maliligwak si Gen. Rolando Nana na namamaga na nga ang sunod-sunod na kapalpakan ‘e dinagdagan pa ninyo?!

Sino ba ang nagsabi sa iyo niyan Madam Kernel?!

Pakikutusan nga lang ninyo dahil ipinapahiya kayo. Mukhang sa Makabuhay at sa Cytotec lang mahusay ‘yang nagpayo sa iyo na ‘yan ang sabihin sa media.

Oy, change is coming na!

Huwag na kayong magpakaang-kaang, darating na si Digong!

Aba, baka hindi lang mura ang abutin ninyo kay Digong, baka ‘patayin’ din kayo!

Kumilos kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …