Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo at Janella, itinadhana sa isa’t isa

00 fact sheet reggeeMAY bagong pasisikating loveteam ang Dreamscape Entertainment, ang ElNella nina Elmo Magalona at Janella Salvador na bida sa seryeng Born For You na mapapanood na sa Hunyo 20, Lunes mula sa direksiyon ni Onat Diaz.

Tungkol sa destiny ang pinakabuod ng kuwento ng Born For You at obviously, sina Elmo at Janella ang itinadhana sa isa’t isa at sa Japan sila nagtagpo.

Sa ginanap na pocket presscon ng ElNella ay tinanong ang dalawa kung ano ang pipiliin nila, ang taong mahal nila o ang taong nagmamahal sa kanila.

Ang katwiran ni Elmo, ”para sa akin, I choose the one I love kasi siya ‘yung naka red-string sa akin.

“So if you live without love is meaningless, sa mga nakikita mong bagay every day, you have to see it with love because roon mo makikita ‘yung point ng life, that’s what they tell me.”

Ang paniniwala naman ni Janella, ”if I were to choose, never settle, you have to be both talaga, if you love someone, you have to choose someone who loves you too, ‘yun ang paniniwala ko talaga, don’t settle.

“My mom is very practical kasi, so she’ll always tells me, ‘you have to be smart when it comes to love. You also have the gift of discernment kasi the world is different now, so you have to be able to tell kung love na ba talaga o hindi.”

Binalikan ni Erik John Salut ang dalaga kung may gift of discernment na siya sa edad niyang 18, ”I guess, I hope I do.”

Tatlong linggo sa Japan sina Elmo at Janella kaya tinanong kung ano ang nadiskubre nila sa isa’t isa.

Kuwento ni Janella, ”marami kaming bagay na napagkasunduan like food, animals and pareho kaming mabilis makatulog. I don’t expect na magiging close kami ng ganito kaagad parang after Japan, sobrang naging close na kami.”

Sabi naman ni Elmo, ”na-discover ko is that we both love food, Japanese food to be exact so, pagdating namin doon, kain kami ng kain talaga, plus we both love pets, animals so when we have the free time, maraming mga pet store in Japan, so nagtingin-tingin kami ng dogs, ng cats.”

Si Janella ay si Sam Kazuko na isang aspiring Pinay singer na lumaki sa Japan at dahil sa kanyang pagiging hopeless romantic ay naniniwala siya sa konsepto ng red string of fate na nagsasabing isang invisible string ang magkukonekta sa dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa.

Si Kevin Sebastian naman ang karakter ni Elmo na isang sikat na singer at anak ng OPM icon na nagpasikat ng kantang Born for You na si Mike Sebastian (Ariel Rivera). Bagamat nasa rurok ng kasikatan, may hinaing si Kevin tungkol sa love at destiny dahil sa komplikadong relasyon ng kanyang mga magulang.

Bukod sa mga pangalang nabanggit ay kasama rin sa BFYsina Gina Pareño, Freddie Webb, Jimboy Martin, Joj Agpangan, FrancisMagundayao, Smokey Manaloto, Ogie Diaz, Katya Santos, DJ Durano, Alfred Labatos, Kyline Alcantara, Paulo O’hara, Neil Coleta, Young JV, Ayen Laurel, Bernard Palanca, at Vina Morales handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …