Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, nagregalo ng Rolex sa manager

00 fact sheet reggeeASTIG si Jennylyn Mercado dahil binigyan niya ng Rolex watch ang manager niyang si Becky Aguila at Tudor naman ang anak nitong si Katrina Aguila.

Maraming blessings na dumating kay Jennylyn nitong dalawang taong magkakasunod kaya naman bilang pasasalamat ay niregaluhan niya ang mag-ina kaya naman tuwang-tuwa at nag-post si Katrina ng, “thank you so much @mercadojenny for our mother-daughter timepieces. We love it so much!!! Sobrang nakagugulat talaga. Ika nga ni ‘ma “JEN! Thank you for being such a kind, generous, and loving person. We are so lucky to have you. We love you so much! Thank u!!! Mwah mwah mwah!”

Simula noong 2014 ay sunod-sunod na ang box-office hit ng mga pelikula ng aktres nauna na ang English Only Please kasama si Derek Ramsay na nanalo si Jennylyn bilang Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival kaya naman may follow-up na #Walang Forever noong 2015 with Jericho Rosales at nanalo ulit siya sa parehong kategorya bukod pa sa malaki ulit ang kinita nito.

Mahigit P120-M ang kinita ng The PreNup nina Jennylyn at Sam Milby produced ng Regal Entertainment at almost P200-M naman ang kinita ng Just The Three of Us kasama si John Lloyd Cruz handog naman ng Starcinema.

At nitong linggo lang ay may bagong endorsement na pumasok na naman kay Jennylyn, ang Tough Mama Kitchen and Home Appliances na kapipirma lang.

At sa tanong namin kay tita Becky kung ano na ang update sa kontrata ni Jennylyn sa GMA na expired na noong Mayo, “still negotiating, Reggs, update kita ‘pag okay na.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …