Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, pinagtatamnan ang mga bakanteng lote

00 fact sheet reggeeINUNAHAN na ni Coco Martin ang segment na AgriCOOLture na ini-launch ng Knowledge Power at host nitong siEnchong Dee na mapapanood na sa Hunyo 19 sa ABS-CBN.

Matagal na kasing nagtatanim si Coco ng sari-saring gulay sa tapat ng bahay niya na may bakanteng lote na hiniram niya sa may-ari nito at pinayagan naman.

Oo nga naman kaysa puro talahib ang tumubo, eh, pakinabangan na lang ang lupa kaya nilinis ng aktor at nagtayo siya ng bahay kubo na naging pahingahan niya kapag nagtatanim.

Naikuwento sa amin ng TV5 executive na kapitbahay ni Coco na tuwing umaga ay nakikita niya ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtatanim at nagdidilig at natutuwa nga siya kasi ang lago na raw ng gulayan ng aktor.

Ilang buwan na ang nakalipas ay nakapag-harvest na si Coco tulad ng talong, ampalaya, okra, sitaw, kamatis at iba pa na hindi lang nakunan ng litrato base sa post niya sa kanyang IG account.

Panibagong tanim ulit ang ipinakita niya sa IG account tulad ng sili,m petsay, at iba pa.

Nabanggit din dati ni Coco sa isang panayam niya na kapag wala siyang taping ay nasa bahay lang siya at itong pagtatanim ang libangan niya bukod sa makipag kuwentuhan sa mga kaibigan sa bahay kubo na itinayo niya.

Natutuwa tiyak ang may-ari ng lupa at wala lang kaming update kung ibinenta na sa aktor ang lupang ginawang gulayan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …