Friday , December 27 2024

A Walk For Change

ISANG grupo ng mga photographer ang naglunsad ng isang photo contest na may temang A Walk For Change.

Sa kanilang teaser ay nakasulat ang ganito: “Change is coming! Do you want to be a part of it? Join our Independence Day Photo Walk and help us show our countrymen that change is in our hands!”

Ang photo contest ay magsisimula sa Liwasang Bonifacio sa Hunyo 12, 2016, araw ng Linggo dakong 6:00 am at matatapos sa Kilometer 0 (zero) sa Rizal Park dakong 3pm.

Klaro ang tema, A Walk For Change…

Bilib tayo sa inisyatibang ito ng mga photographer sa pangunguna ni Edwin Tuyay.

Isang paraan ito at malaking tulong para maipakita kay Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang mga kinakailangang pagbabago sa kalunsuran.

Lalo na sa kabiserang siyudad — ang Maynila.

Sa Liwasang Bonifacio na pagsisimulan ng nasabing aktibidad, tiyak na mapipitikan na ng mga photogs ang sumisira sa kagandahan ng lungsod.

Kadugsong lang kasi ng Liwasang Bonifacio ang Plaza Lawton (harapan ng Philpost).

Ang dalawang lugar ay parehong pinaglunsaran ng kagitingan ng ating mga ninunong lumaban sa mga mananakop para ipagtanggol ang ating kalayaan.

Mula nang itindig ang postal office ng Maynila noong 1767 hanggang maging postal district of Spain at maging miyembro ng Universal Postal Union hanggang itayo ang kasalukuyang gusali (1926) sa disenyo ni Juan Arellano (lolo sa tuhod ni Gabby Concepcion), ito ay naging mahalagang bahagi na ng mga makasaysayang pangyayari sa bansa.

Si Arellano ay tinaguriang landmark architect dahil sa kanyang mga iginuhit na disenyo ng Metropolitan Theater (1935), Legislative Building (1926) ngayon ay National Museum of the Philippines, ang Central Student Church (ngayon ay Central United Methodist Church, 1932) ang Negros Occidental Provincial Capitol (1936), Cebu Provincial Capitol (1937), Bank of the Philippine Islands Cebu Main Branch (1940), Misamis Occidental Provincial Capitol Building (1935) at ang Jones Bridge.

Ganyan kahalaga at kamakasaysayan ang Philpost building ganoon din ang kinatatayuan nitong lugar, ang Plaza Lawton at Liwasang Bonifacio.

Kumbaga, sa assembly point pa lang ng A Walk For Change marami nang makabuluhang subject ang masisipat at mapipitikan ng mga lalahok na photographer.

Inaanyayahan natin ang iba pang photographers, amateur o professional na lumahok sa nasabing aktibidad dahil ito ay makatutulong nang malaki para sa isang makabuluhang pagbabago.

Para sa detalye i-click sa facebook ang links:https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153750159933576&set=a.10151313752933576.479849.639033575&type=3&theater

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *