Tuesday , April 15 2025

3 tao sinaksak ng praning (4 araw walang tulog)

SUGATAN ang tatlo katao, kabilang ang 4-anyos paslit, sa pananaksak ng isang lalaking napraning makalipas ang apat araw na walang tulog sa Navotas City kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jayson Turla, 24, nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police.

Pawang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mga biktimang sina Joan Termulo, 30, live-in partner ng suspek; Jayrix Maneja, 30, at Rhixanne Maneja, 4-anyos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Paul Roma, dakong 6:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng mga Maneja sa Block 21, Lot 81, Phase 2, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South.

Pupunta sa tindahan ang suspek upang bumili ng pagkain para sa almusal nang pigilan siya ng live-in partner dahil may dala siyang patalim na humantong sa kanilang pagtatalo.

Dahil apat na araw nang walang tulog ang suspek, biglang nagdilim ang kanyang isip at pinagsasaksak ang kinakasama.

Tinangkang awatin ni Jayrix ang suspek ngunit maging siya ay inundayan din ng saksak. Pagkaraan ay tinarakan din ng suspek sa likod ang batang babae.

Makaraan ang insidente, tumakas ang suspek ngunit naaresto ng mga tauhan ng QCPD sa checkpoint sa Kamuning, Quezon City nang masita dahil sa dalang patalim at dugo sa kanyang short.

Ayon sa ulat, posibleng lango sa droga ang suspek nang maganap ang insidente dahil sa pahayag na may gusto raw pumatay sa kanya kaya may dalang patalim.

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *