Friday , November 15 2024

Super majority nabuo sa Kamara at sa Senado

POSIBLENG mapabilis ang paglusot ng mga legislative agenda ni incoming President Rodrigo Duterte kasunod nang nabuong ‘super majority’ sa Kamara at Senado.

Una rito, tiyak ni Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez ang House Speakership at sumali na sa koalisyon maging ang Liberal Party (LP) congressmen.

Habang kinompirma ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nais nilang maranasan ang Senado na walang tatayong malakas na minorya.

Ayon kay Sen. Vicente Sotto III, isa sa naunang contender sa Senate presidency, pantapat ito sa nabuong ‘super majority’ sa Kamara para mapadali ang mga programa ni Duterte.

Una nang inihayag ni Senador Franklin Drilon na si Senador Koko Pimentel ang pangulo ng Senado at siya ang magiging Senate President Pro Tempore habang si Sotto ang majority leader.

Kung sakaling ipupursige ni Sen. Alan Cayetano na runningmate ni Duterte sa eleksiyon, ang kanyang Senate leadership ambition, posibleng magiging minority leader siya kapag natalo at makakasama sa minorya ang mga kasamahan sa Nacionalista Party (NP).

Ngunit inihayag ni Nacionalista Party Sen. Cynthia Villar, maaga pa para sabihin ang resulta ng Senate presidency race at tiniyak ang kanyang commitment kay Cayetano.

Kung sakali, nakahanda si Villar na maging miyembro ng minorya basta mananatili sa kanya ang chairmanship sa agriculture committee.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *