Friday , December 27 2024

May malaking kulang sa libro ni Fred Mison!

Akala ng inyong lingkod, tayo lang ang tanging magre-react sa nabanggit natin dito sa ating kolum tungkol sa inilabas na libre ‘este’ libro na 7 Attributes of a Servant Leader ni expelled ‘este’ ex-commissioner Fred ‘pabebe boy’ Mison.

Marami raw ang nagtaka kung bakit tila ‘yung good attributes lang ng author ang naging laman ng nasabing aklat?

Sa klaseng nalimutan yatang banggitin ng inyong lolo sa kanyang obra maestra ang pagsabit niya sa parking receipts and gas padding sa Bureau kaya naman hindi nag-atubili ang Ombudsman na i-reprimand siya bilang sanction!

Wattafak!?

‘E paano naman daw ang kanyang conviction o perpetual disqualification kasama ng isa pang dating Commissioner na si Ric David Dayunyor sa reklamo sa kanila sa Ombudsman ni Paul Panot ‘este’ Versoza?

Napakaliwanag ng desisyon ng Ombudsman kay David, Mison at Lara na GUILTY of GRAVE MISCONDUCT at ang hatol ay DISMISSAL from the service.

Hindi ba mas importante kung siya ay nagpakatotoo sa kanyang libro?

Mas exciting din kung ‘yung mga sablay niya ang kanyang isinulat kaysa mga walang kuwentang attributes ‘kuno’ na yun?!

I’m sure maraming hindi aayon sa mga sinabi namin ngayon lalo na ‘yung mga na-kinabang noon sa panahon ni Miso ‘este’ Mison.

Mag-agree kaya kayo sa sinasabi ng inyong lingkod, Atty. Mahadera at Tobalats?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *