Friday , December 27 2024

Big mining firms lagot kay Digong

ISA sa mga pinapaboran nating pronouncement ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang pagtutol sa operasyon ng mga abusadong big mining firms na labis nang nakapipinsala sa kapaligiran at tila ayaw nang tantanan ang likas na yaman ng ating bansa.

Sa ibang bansa kasi, mayroong limitasyon ang operasyon ng isang mining company.

Hindi puwedeng lifetime.

Kung lifetime nga naman ang operasyon ng  mining company ‘e parang nabili na nila ang likas na yaman ng bansa.

Kahit na sabihin pa nilang nagbabayad sila ng kung ano-anong klase ng ‘taxes’ hindi rason ‘yun para salaulain habambuhay ang kalikasan at likas na yaman ng bansa.

Sa kanyang thanksgiving party sa Davao pinuntirya ni Mayor Digong ang malalaking kompanya ng minahan partikular sa Surigao del Norte. Minsan na rin tayong napunta sa lugar na ‘yan at marami tayong katutubo na nakausap at ang hinaing nila ang pang-aabuso ng mga minahan sa kanilang lugar na wala naman silang nakukuhang benepisyo.

Isa pa ang talamak na black-sand mining ng mga dayuhang Intsik sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

‘Yan din daw ang rason kung bakit hindi niya ibinigay ang posisyon bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kay Leoncio Evasco, na kanyang national campaign manager.

Aniya, si Evasco ay dating political detainee noong siya ay naging city administrator.

Imbes si Evasco, mas gusto ni Duterte na ibigay ang posisyon sa isang militar.

Expected na ng incoming president na magrerehistro ng ‘resistance’ ang mining firms sa militar na kanyang itatalaga bilang DENR secretary.

Pero mukhang pirmis ang desisyon ng bagong Pangulo.

At kung hindi siya magluluwag sa desisyong ito, ‘yan ay malaking hakbang tungo sa isang tunay na pagbabago.

Suportahan ta ka diyan, Mr. President!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *