Friday , November 15 2024

Big mining firms lagot kay Digong

ISA sa mga pinapaboran nating pronouncement ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang pagtutol sa operasyon ng mga abusadong big mining firms na labis nang nakapipinsala sa kapaligiran at tila ayaw nang tantanan ang likas na yaman ng ating bansa.

Sa ibang bansa kasi, mayroong limitasyon ang operasyon ng isang mining company.

Hindi puwedeng lifetime.

Kung lifetime nga naman ang operasyon ng  mining company ‘e parang nabili na nila ang likas na yaman ng bansa.

Kahit na sabihin pa nilang nagbabayad sila ng kung ano-anong klase ng ‘taxes’ hindi rason ‘yun para salaulain habambuhay ang kalikasan at likas na yaman ng bansa.

Sa kanyang thanksgiving party sa Davao pinuntirya ni Mayor Digong ang malalaking kompanya ng minahan partikular sa Surigao del Norte. Minsan na rin tayong napunta sa lugar na ‘yan at marami tayong katutubo na nakausap at ang hinaing nila ang pang-aabuso ng mga minahan sa kanilang lugar na wala naman silang nakukuhang benepisyo.

Isa pa ang talamak na black-sand mining ng mga dayuhang Intsik sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.

‘Yan din daw ang rason kung bakit hindi niya ibinigay ang posisyon bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kay Leoncio Evasco, na kanyang national campaign manager.

Aniya, si Evasco ay dating political detainee noong siya ay naging city administrator.

Imbes si Evasco, mas gusto ni Duterte na ibigay ang posisyon sa isang militar.

Expected na ng incoming president na magrerehistro ng ‘resistance’ ang mining firms sa militar na kanyang itatalaga bilang DENR secretary.

Pero mukhang pirmis ang desisyon ng bagong Pangulo.

At kung hindi siya magluluwag sa desisyong ito, ‘yan ay malaking hakbang tungo sa isang tunay na pagbabago.

Suportahan ta ka diyan, Mr. President!

May malaking kulang sa libro ni Fred Mison!

Akala ng inyong lingkod, tayo lang ang tanging magre-react sa nabanggit natin dito sa ating kolum tungkol sa inilabas na libre ‘este’ libro na 7 Attributes of a Servant Leader ni expelled ‘este’ ex-commissioner Fred ‘pabebe boy’ Mison.

Marami raw ang nagtaka kung bakit tila ‘yung good attributes lang ng author ang naging laman ng nasabing aklat?

Sa klaseng nalimutan yatang banggitin ng inyong lolo sa kanyang obra maestra ang pagsabit niya sa parking receipts and gas padding sa Bureau kaya naman hindi nag-atubili ang Ombudsman na i-reprimand siya bilang sanction!

Wattafak!?

‘E paano naman daw ang kanyang conviction o perpetual disqualification kasama ng isa pang dating Commissioner na si Ric David Dayunyor sa reklamo sa kanila sa Ombudsman ni Paul Panot ‘este’ Versoza?

Napakaliwanag ng desisyon ng Ombudsman kay David, Mison at Lara na GUILTY of GRAVE MISCONDUCT at ang hatol ay DISMISSAL from the service.

Hindi ba mas importante kung siya ay nagpakatotoo sa kanyang libro?

Mas exciting din kung ‘yung mga sablay niya ang kanyang isinulat kaysa mga walang kuwentang attributes ‘kuno’ na yun?!

I’m sure maraming hindi aayon sa mga sinabi namin ngayon lalo na ‘yung mga na-kinabang noon sa panahon ni Miso ‘este’ Mison.

Mag-agree kaya kayo sa sinasabi ng inyong lingkod, Atty. Mahadera at Tobalats?!

Nang umusok ang tumbong ng laos na mambabayag sa Mehan Garden

Muntik daw atakehin sa puso ang isang laos na mambabayag sa Mehan Garden. Umuusok sa galit at sumirit ang blood pressure hanggang 200/160. Mukhang nanganganib na rin daw mawalan ng trabaho ang arkiladong manunulot na hanggang ngayon ay kuwestiyonable at hindi pa klaro kung non-reactive ang kanyang HIV/AIDS.

Nang sumirit ang presyon ng laos na mambabayag sa Mehan Garden ay pinalamon nang walang katapusang “hijo de puta” ang kanyang arkiladong manunulot. Wala na raw kasing maidagdag sa kanyang mga haka-haka at nilulubid na buhangin. Paulit-ulit as in recycle.

‘Yan na kasi ang kinahiratian ng arkiladong manunulot ng laos na mambabayag sa Mehan Garden. Haka-haka na nga sinasalsal pa.

Bwahahahaha!

Unsolicited advice lang sa arkiladong manunulot, alagaan mo ang amo mo, baka biglang atakehin ‘yan, at matigok, e bigla kang mawalan ng pakinabang sa kolek-tong mula sa illegal terminal sa Lawton.

Arayku!

Maraming salamat din sa inyo!

SIR JERRY, maraming salamat po sa tunay na paglingap mo sa mga mamamahayag. Hindi po namin malilimutan nang mag-retrench kami sa  Abante noon. Naunawaan po namin ang kalagayan noon ni Mr. Macasaet at hindi naman siya nagkulang sa obligasyon niya sa amin nang kami ay  ma-retrench. Pero higit po kaming natuwa dahil naging bukas-palad kayo sa amin at tinanggap ninyo kami sa HATAW. Napakalaking bagay po sa amin iyon lalo’t nagpapaaral kami ng mga anak na noon ay nasa kolehiyo. Ngayon po ay nakatapos na sila. Maraming-maraming salamat po sa inyong buong-pusong pag-alalay Sir Jerry. Maraming salamat po at nagkaroon ng isang publisher na kahit maliit ang kompanya ay tunay na kumakalinga sa kanyang mga correspondents. Happy birthday Boss Jerry. More blessings to come. – former Abante Correspondents.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *