Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barker itinumba (Dating asset ng pulis)

PATAY ang isang taxi barker na sinasabing dating asset ng pulis at kalaunan ay nasangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang  si Gaspar Maglangit, 34, ng 264 Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Juluis Mabasa, dakong 12:15 a.m., tumatawag ng taxi ang biktima sa Caltex Gasoline Station sa M. H. Del Pilar St. at Governor Pascual Avenue, Brgy. Tugatog nang lapitan ng suspek at pinagbabaril si Maglangit.

Narinig nina PO1 Wendell Pogoy at PO1 Christopher Medel ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) na nagpapatrolya sa naturang lugar, ang putok ng baril kaya mabilis silang nagresponde.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at inutusang huminto ngunit tinutukan sila ng baril at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …