Aries (April 18-May 13) Mas mainam sa iyo ang kooperasyon kaysa indibidwal na inisyatibo o hiwalay na trabaho.
Taurus (May 13-June 21) Obserbahan ang pagkakamali, pagkabigo at karanasan ng iba sa personal na relasyon ngunit huwag silang huhusgahan. Posibleng ganito rin ang mangyari sa iyo.
Gemini (June 21-July 20) Kailangan ding magpahinga bagama’t nag-aalala kang baka hindi matapos ang nakababagot na proyekto.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung posible, maglaan ng panahon sa pamilya huwag puro negosyo na lamang.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Posibleng mangamba ka sa iiwanang negosyo kaya hindi ka makapagdesisyon sa pagbabakasyon.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kung nais mo nang magbitiw sa trabaho, hindi ibig sabihin na dapat mo na ring putulin ang iyong contacts sa mga dating katrabaho.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Magagamit mo ang iyong galing sa diplomasya sa pakikitungo sa mga tao sa iyong kasalukuyang propesyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang upcoming period ng iyong buhay ay hindi masasabing carefree.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ano man ang iyong mithiin, mananatili pa ring mahalaga sa iyo ang iyong mga kaibigan.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang pagsusumikap para sa kinabukasan ang iyong prayoridad ngayon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Perpekto ang araw ngayon sa pagtatatag ng contacts and connections, lalo na sa mga taong mataas ang tungkulin.
Pisces (March 11-April 18) Ang iyong partner, manager o karibal ay ipipresenta ang kanilang sarili sa bago nilang personalidad.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang araw ngayon sa pagtamo ng awtoridad at respeto ng mga tao dahil sa iyong magandang ginawa.
ni Lady Dee