Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglaki ni Scarlet Snow, inaabangan

00 fact sheet reggeeMUKHANG inaabangan na ng netizens ang paglaki ni baby Scarlet Snow Belo dahil sa tuwing may ipino-post na litrato ang biological parents nitong sina Dra. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho ay talagang puro puri ang komento.

Oo nga naman, super-cute naman talaga si Scarlet Snow na parehong kamukha ng parents niya.

Isa ang Hataw sa naglabas ng balitang tunay na anak nina Dra. Belo at Hayden si Scarlet Snow sa pamamagitan ng surrogate mother na kuwento sa amin ni Direk Quark Henares sa presscon ng My Candidate noong nakaraang buwan.

Naging malaya na ring nakakapag-post ng litrato sina Dra. Belo at Hayden ng tungkol sa lahat ng nangyayari sa anak nila.

Dati-rati ay bihira naming silipin ang Instagram account ni Dra. Belo pero ngayon ay napapadalas na dahil ang laman nito ay puro si Scarlet Snow.

Komento ng mga sumusubaybay sa bagets, ”ang cute at halatang mayaman, ang ganda ng kutis, ikaw ba naman ang maging anak ni Belo. Kamukhang-kamuha nila ni Hayden, hindi maikakaila.”

Magkamukha talaga ang mag-ina at talagang cute pa nang magpatahi si Dra. Belo ng damit na pareho sila, ”mother and daughter dresses by Maureen Disini. It’s so much fun being a mother of a baby again.”

Mukhang sabik na rin si direk Quark sa bata dahil parati niyang nilalaro ang bunsong kapatid at kinukunan ng video na ipo-post naman ni Dra. Belo, ”Thank you Heavenly Father for @scarletsnowbelo who is so sweet and pure. She grounds us and brings back the child like wonder with the happiness she gets from the simplest things. Thank you@quarkhenares for this video.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …