Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romansang Alden at Patricia, tuloy pa rin

AYAW pa ring tantanan ng chismis sina Alden Richards and model–beauty queen Patricia Tumulak.

Rumors have it na patuloy pa rin ang romantic something between them kaya naman nagwawala ang Aldub fans.

Umaming bash si Patricia which is nothing new. Of course, AlDub fans ang namba-bash kay Patricia dahil  hindi na naman nila ma-take na mayroong ibang girl ang nauugnay sa kanilang idol other than Maine Mendoza.

“if I were you answer nyo nlng po ang issue between u and @aldenrichards02 para po matahimik na mga bashers my peace of mind pa po kau and let god do d rest nlang. Syemore po kahit anong ignore nyo po ng issye andyan lang yan at nasasaktan kayo…sana po sagutin nyo nap o and thank u and god bless u more,” said one follower of Patricia.

“hindi po kami! Ang tanda kona girl!” sagot naman ni Patricia.

“Grabe ah hindi prin pala namamatay itong Issue, Ilang beses b dapat kailangang sabihin ni Patring na hindi sila,” said one fan.

“Ilang beses na sinagot ni Patring ‘to. Yung iba either hindi makaintindi or talagang ayaw lang maniwala kaya paulit ulit tinatanong. Patricia and Maine are friends. Prior to AlDub, nung baguhan pa si Maine, if you will observe sa mga posts nila before they interact sa Instagram and Twitter. Even nung AlDub Meets TVJ episode, madalas magkausap si Maine at Patricia. That would have been so awkward kung totoong may namamagitan sa kanila ni Alden. Ngayon na nagsalita na si Patring, for the nth time, tigilan na yang issue na yan,” say naman ng isa pang fan ni Patricia.

Kayong AlDub fans na mahilig mam-bash, asikasuhin n’yo muna ang mga gawaing bahay ninyo. Magluto kayo, maglaba, at mamlantsa nang magkaroon kayo ng silbi sa mundo. Pinabili lang kasi ng suka nagtataray na kayo sa social media.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …