Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine paeng benj

Nadine, nangunguna sa FHM, James nag-react

00 fact sheet reggeeMAY nagtanong sa amin kung nagpapapansin sina Coleen Garcia at Jessy Mendiola para sa FHM dahil panay ang post nila ng kanilang sexy body na talagang naka-two piece lang.

Baka nga kasi may karapatan naman talaga ang dalawa na i-post sa social media ang maganda nilang katawan.

Aware rin sina Coleen at Jessy na maraming nagnanasa sa kanila lalo na sa huli na walang boyfriend kaya walang takot nitong ibinabalandra ang katawan na halos hubad na.

Pero mukhang mahina ang fan base ng dalawang aktres dahil tinalo sila ni Nadine Lustre na kasalukuyang number one ngayon sa FHM at tinalo na niya sina Jennylyn Mercado, Angel Locsin, at Marian Rivera.

Kasalukuyang nasa number 3 slot si Jessy pero naungusan na siya.

Kaya pati boyfriend ni Nadine na si James Reid ay nag-react na sa kanyang Twitter account ng, “hoy, who is responsible for this?”

Tila hindi type ni James na mapabilang ang girlfriend niya sa FHM sexiest stars, pero ang mismong JaDine fans ang nagsabing sila ang responsable rito at sabihan lang sila kung titigil na sila sa pagboto.

Pero hindi naman sila sinagot ng aktor kaya tuloy-tuloy pa rin sa pagboto ang mga ito para manatiling nasa number one ang idolo nila.

May nagbiro pa kay James na fan na mamili na raw ang aktor kung ano ang gustong isuot ni Nadine sa pagrampa nito at naka-post ang mga litrato nina Marian at Angel na parehong may pakpak.

Kung paramihan ng boto, tiyak winner na si Nadine, pero kung pa-seksihan talaga ang iboboto ng mga hurado, maglalaban sina Jennylyn, Jessy, at Coleen isama mo pa sina Arci Munoz at Angel.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …