NANANATILING panalo ang ABS-CBN network pagdating sa ratings game sa buwan ng Mayo na nakakuha ng 44% sa audience share kompara sa 32% ng karibal na TV network.
Base sa Kantar Media, halos 20 milyon page views din ang nakuha ng mga programa nito sa video streaming website ng ABS-CBN na iWant TV.
Siyam na programa ng ABS-CBN ang nanalo sa primetime block na nagtala ng average audience share na 49% kompara sa 31% ng kalaban.
Numero uno pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.1%) sumunod ang The Voice Kids (36.1%), Dolce Amore (32.9%), Pilipinas Got Talent (32.8%), Maalaala Mo Kaya (30.1%), TV Patrol (29.5%), Wansapanataym (28.9%), Home Sweetie Home (23.7%), at Rated K (21.2%).
Kasama rin ang Be My Lady (17.4%) at wagi pa rin ang It’s Showtime (18.5%) kompara sa Eat Bulaga (12.3%).
Sa Kapamilya Gold sa afternoon block ay nagtala ng 46% nationwide rating laban sa 33% ng kalaban, na nakamit ng Doble Kara ang 18.0% at Tubig at Langis na 15.9%.
Panalo rin ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila) sa national average audience share na 47% kontra 33% ng GMA; sa Visayas sa audience share na 54% kontra 24% ng kalaban; at sa Mindanao na may 54% kontra 27%.
FACT SHEET – Reggee Bonoan