Friday , December 27 2024

Be Cool President Digong Duterte

SABI ng mga aktibistang hindi pabor sa mga inaasal ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte lalo sa harap ng media, “lumpenic daw si Digong.”

Ito ang ginagamit na termino ng mga aktibista sa mga bruskong pang-uugali, siga at tila walang aral.

Tila mahihirapan ang mga taga-media na timplahin ang ‘modo’ ni Digong.

Sa mga unang bahagi o oras ng pagharap ni Digong sa publiko sa pamamagitan ng media, siya ay tahimik at halos ayaw magsalita.

Pamaya-maya, biglang magseseryoso at tila mga multong nagbabangon sa isipan ang kanyang masasamang karanasan na pagalit niyang ikinukuwento sa madla.

At dito magsisimula ang walang katapusang malulutong na ‘pu – – – – ina’ kasunod ng ‘mo’ o ‘ninyo.’

Pamaya-maya pa, magbibiro at magpapatawa naman.

Para siyang karborador ng isang sasakyan na daldal nang daldal tapos biglang mag-iinit, biglang lalamig at tapos bigla namang tatawa nang tatawa.

Wala na tayong magagawa kung ganyan talaga ang pag-uugali ng ating Pangulong Digong.

Mantakin n’yo namang 70-anyos mahigit na ‘yung mama, kauna-unawa na minsan ay magkaroon siya ng mga hindi maintindihang ‘asal’ at ‘diwa.’

Pero isa lang ang gusto nating ipaabot kay Digong — “Mr. president, kaibigan po ninyo ang media. Hindi po kami nakikipag-away sa inyo. Naghahatid lang po kami ng mensahe sa taong bayan at sa iyong gobyerno. Please DON’T SHOOT THE MESSENGER.”

Kung mayroon mang pumila o umorbit sa inyong mga corrupt na journalists noon, ituro at pangatawanan ninyo ang inyong krusada laban sa kanila huwag po ninyong lahatin.

Sa mga katoto naman natin sa pamahayagan, ‘yung mga mahilig umorbit na may kasama pang pananakot, tantanan na ninyo ‘yan.

Dahil tiyak mayroon kayong paglalagyan.

Uulitin lang po natin, BE COOL PRESIDENT DIGONG!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *