Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krissy, na-miss na ng netizen

00 fact sheet reggeeNASA California, USA sina Kris Aquino, Josh, at Bimby ngayon base na rin sa mga post niya sa IG account niya.

pinost ng TV host habang nagluluto siya ng baked spaghetti, ”my sister Viel & my niece Jia are arriving tonight. My niece is super smart, she’s taking a summer course here (Nag Philippine Science then now in UP).”

Ngayong araw, Hunyo 4 sa Pilipinas ang kaarawan ni Josh at huli naman ng isang araw ang Amerika kaya advance celebration ang post ni Kris kahapon habang nasa Boiling Crab Restaurant sila na dinudumog ng mga Pinoy doon.

Advanced Happy Birthday Kuya Josh. We’re eating dinner early to make sure we got a table. W/ Ninang Viel, Jia & our friend @iamgarygarcia, this was his choice- 1 of his all time favorite restaurants. #June41995.”

Nakakamay dapat kumain sa Boiling Crab, marunong kayang mag-kamay ang mag-iinang Kris, Josh, at Bimby?

Samantala, miss na miss na si Kris dahil base sa mga nabasa naming post sa social media, ”we miss you Krissy, bumalik ka na!” Bukod pa sa nagsabing sana huwag siyang mawala ng matagal.

Nasa Nacho Bimby Promenade kami noong Huwebes ng gabi, ang isa sa negosyo ni Kris para sa mga anak at nakita naming pila ang mga taong bumibili plus masarap tumambay sa puwesto nila kasi malamig ang aircon at masarap mag-people watch.

Bukod sa Promenade ay magbubukas na rin ang isa pang branch nito sa SM North Edsa, base sa post ni Kris, ”fingers crossed opening in@smsupermalls SM NORTH EDSA THE BLOCK on June 7, 2016 (Martes). Thank you sa tutok@chadominic & @nix722.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …