Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Badjao Girl at Carrot Man, bagay na loveteam

SINASABI na kung may tao kang gusto mong siraan, gamitin mo ang social media. Kapag nagiging viral ang larawan o video na ipi-nost, maaaring life changing ito ng iyong subject.

Kagaya ngayon, sino ba ang mag-aakala na ang isang 13 years-old na Badjao na namamalimos karga-karga ang nakababatang kapatid sa isang piyesta ay magiging instant celebrity? Siya si Badjao Girl o Rita Gaviola ng Lucena City.

Naging viral sa social media ang kuha sa kanya ng isang Pinoy tourist, marami ang nagka-interes sa kanyang maamong mukha at ngayon ay kinuha na si Rita ng isang artist management company, ang Power Casting Management ni Jerome Navarro at ilang linggo o buwan pa mula ngayon ay baka masilayan na siya sa mga TV show, commercial, at baka maging sa pelikula.

Bago kinuha ng Power Casting Management si Rita ay na-feature muna siya sa Rated K ni Korina Sanchez. Tinulungan din siya ni Korina, binigyan ng trabaho ang kanyang mga magulang sa lokal ng Lucena at binigyan ng scholarship ng Rated K na dapat ay huminto na siya sa panlilimos.

Sayang at nahuling mag-viral si Rita at huli siyang na-meet ni Korina. Kung na aga-aga sana, baka nakatulong si Rita sa kandidatura ni Mar Roxas. ‘Di ba kasi ang mga Pinoy masyadong emosyonal.

Anyway, hindi na babalikan ni Rita ang  panlilimos dahil  artista na  nga siya.

Sa test photoshoot pa lang kay Rita, artistang-artista na ang dating.

Puwede siyang i-partner kay Carrot Man o kay Jeyrick Sigmaton kung sa GMA 7 siya mapunta pero kung sa ABS-CBN, aba puwede siyang i-love triangle kina Ylona Garcia at Bailey May.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …