Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, nasira ang mukha

00 fact sheet reggeeDAHIL hindi pa maipalalabas ang Written In Our Stars, ang serye nina Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal, at Toni Gonzaga kasama rin si Sarah Lahbati handog ng Dreamscape Entertainment, kaya ang My Super D muna ang gagawin ni Sarah bilang si Tiradora.

Lumaki sa simpleng buhay si Sarah bilang dalagang si Ulah kasama ang kanyang mga magulang. At upang makatulong sa kanyang pamilya, sumasali siya sa iba’t ibang beauty contests upang kumita ng pera. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang kanyang mukha nang masabugan siya ng bombang dala ni Super D.

Simula noon, kinatakutan na si Ulah ng mga tao dahil sa pagkasira ng kanyang hitsura. At sa tulong ni Zulueta (Ronaldo Valdez), ang mortal na kaaway ni Super D ay magta-transform siya bilang si Tiradora at maghahasik ng lagim gamit ang makapangyarihang tirador.

Kaya si Tiradora ang bagong kaaway ni Super D at magliligtas sa mga taong gagawan din ng hindi maganda ng dalagang retokada ang mukha.

Samantala, dapat ding abangan sina Niño Muhlach at ang kambal na sina Fourthat Fifth Solomon sa kanilang pagganap bilang ang mga kontrabida na sina Negastar at Bilbilly na nakatakdang magpahirap sa buhay ng pambansang superhero.

Huwag palampasin ang kuwentong magpapatunay na kahit ordinaryong tao ay maaaring maging superhero, ang My Super D,  gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …