Sunday , December 22 2024

Patay dito, patay doon… haaay patay na

NAKIKINIG ako noong isang araw sa isang sikat na palatuntunang pang umaga sa radyo nang marinig ko si President-elect Rodrigo Duterte habang nagpapaunlak siya ng isang pulong-balitaan sa mga mamamahayag.

Habang mumukat-mukat ako at hawak ang isang tasa na may mainit na kapeng barako ay napansin ko na palagian niyang sinasabi na papatayin niya si ganon o si ganyan. Halos bukang bibig niya ang “papatayin ko kayo.”

Ewan ko pero bigla akong nasuya. Umagang-umaga at maganda ang sikat ng araw pero ang naririnig ko mula sa radyo ay mga salitang naghahatid ng kadiliman at kalagiman lalo na’t nagmumula ito sa isang paparating na pangulo.

Ito na ba ang sinasabing “change is coming?” Kamatayan sa lahat ng mga kriminal, corrupt at kung sino pang mapag-iinitan ng papasok na administrasyon. Sa pagkakaunawa ko, ang mga masama o kriminal na ibig patayin ni President-elect Duterte ang pangunahing layunin ng dakilang manunubos sa kamatayan na si Hesukristo.

Lubha akong nabalisa nang narinig ko na halos binibigyan niya ng katwiran ang pagpatay sa mga mamamahayag dahil sila ay “corrupt” at bastos. Sa kanyang pagpapaliwanag sinabi ni Duterte na dahil binastos o binaboy ng isang reporter ang isang tao at dahil hindi siya “clean” kaya siya pinatay.

Ewan ko pero ang dating sa akin ng kanyang paliwanag, ok lang na patayin ang isang tao dahil bastos, player o corrupt siya.

Lalo pang napasama ang sitwasyon nang magpaliwanag ang tagapagsalita ni Duterte na si Salvador Panelo. Sinabi ng dating abogado ng mga Ampatuan na kung may naagrabyado o nagawan ng masama ay natural lamang na gumanti ito at patayin ang responsable sa pangaagrabyado. Siguro natural kina Duterte o Panelo ‘yun pero hindi sa isang lipunan na may mga batas.

Nakalulungkot na mga “pro-death” ang mga may hawak ng poder sa ngayon. Sila ang inihalal sa puwesto ng bayan na nasuya sa kapalpakan at kawalang damdamin ng papalabas na administrasyong Benigno Simeon Aquino. Kaya masasabi ko na kasalanan ni Pangulong BS Aquino at kanyang mga palpak na tauhan ang papalapit na lagim sa ating bayan.

* * *

Laban daw sa korupsiyon ang papasok na administrasyong Duterte kaya gusto kong ibahagi sa pamunuang papasok ang namumuni-muni ko matapos marinig ang sinabi ni President-elect Duterte sa kanyang pulong balitaan:

“What is the ultimate form of corruption? Killing someone because not only it leads to the corruption of the victim’s body but also of the soul of the killer.

* * *

Umaabot sa 87,600 na Filipino ang namamatay taon-taon dahil sa paninigarilyo. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *