Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pare, Mahal Mo Raw Ako, pinakamatinong gay movie

NAPANOOD namin ang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

For us, ito na ang pinakamatinong romantic gay comedy na aming napanood. Perfect ang cast, maganda ang premise ng kuwento, walang boring moments at diretso ang mga dayalog.

Pinakamahusay si Edgar Allan Guzman  bilang closet gay na may gusto sa kanyang best friend played by Michael Pangilinan.

Super galing ni Allan sa eksena nang ipagtapat na niya kay Michael na bading siya at may gusto siya rito. His eyes were also acting. Nakaiiyak ang eksenang iyon. It brought us tears. Napamura talaga kami sa galing ni Allan.

Si Michael, bagamat baguhan ay nakaarte naman bilang handsome guy na minahal ng kanyang best friend. Kung mahahasa pa siya nang husto ay malaki ang kanyang  potential sa acting.

Kahit ilang eksena lang sina Nora Aunor  at Anna Capri ay  markado naman. Walang kupas ang Superstar lalo na roon sa eksena na magkayakap silang mag-ina ni Allan.

Kuwela sina Joross Gamboa and Matt Evans. Perfect ang timing nila sa comedy. Ang galing-galing nilang magbitiw ng kanilang crispy lines.

Kahit na ilang eksena rin si  Miggy Campbell ay magaling din siya.

Showing na sa  June 8 ang Pare, Mahal Mo Raw Ako. Go watch it and enjoy the movie.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …