Friday , November 15 2024

Ex-military rebels itatalaga sa BuCor at Bureau of Customs

IPINAHIWATIG kahapon ni incoming Justice Secretary Vitallano Aguirre, pinag-aaralan ni President-elect Rodrigo Duterte na ilagay bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) si retired B/Gen. Danilo Lim.

Sinabi ni Atty. Aguirre, isang matapang na tulad ni President Duterte ang kailangan para patinuin ang BuCor.

“We need someone tough like General Lim. Among those recommended to me, to be recommended to the President, he’s one that I believe in,” paliwanag ni Aguirre.

Kapag inaprubahan ni Duterte ang kanyang rekomendasyon para kay Gen. Lim sa BuCor, siya ang magiging ikalawang military rebel sa Duterte administration makaraan italaga ng incoming president si ex-Marine Capt. Nicanor Faeldor sa Bureau of Customs.

Magugunitang kabilang si Lim sa nag-alsa sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006 at nabigyan ng amnestiya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nanguna rin si Lim sa kudeta laban kay dating Pangulong Cory Aquino noong 1989.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *