NAKATIKIM pala ng pambabastos si Daniel Padilla nang mag-show ito sa Ilagan Sports Complex sa Isabela recently.
While performing ay mayroong lalaking sumigaw ng fuck you at nag-F sign sa kanya.
Naimbiyerna si Daniel at nakapagbitaw siya ng salitang “gago”. Nagpiyesta ang mga basher sa panglalait kay Daniel.
Siyempre, maraming nagtanggol kay Daniel sa social media.
“Hindi maiiwasan ni dj ang mag-mura, syempre tao pa rin nman sia hndi siya na iba sa atin. Realtalk pag-nababastos tau, hndi natin mapigilan mag mura, baka nga more than pa sa pagmumura ung magagawa natin,ÿþ” say ng isang fan.
“tayong mga fan niya napasaya niya tayo, pero tayo kau napasaya ntin xia dhil sa kgagawan ng iba?pagod yan,galing pa sa taping sa barcelona at kinancel daw niya lhat pra makaatend lng at pra mapasaya niya tayo.buti nga GAGO lng ang nsabi niya at natural lng din nman stin kung tayo ang nsa kakatayuan niya,tao din poh xia nasasaktan at may pkiramdam,” say naman ng isa pang maka-Daniel.
Sa guy na nagmura kay Daniel, bumalik ka sa nanay mo at magpaturo ka ng good manners and right conduct. Ang dapat sa ‘yo binubugbog!!!
UNCUT – Alex Brosas