Friday , November 15 2024

2 Nigerian timbog sa shabu

DALAWANG Nigerian national ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Supt. Robert Sales, QCPD Batasan Police Station 6 commander, ang nadakip ay sina Charles Ujam alyas Taylor, 34, at Uche Adache, 26, kapwa residente ng 5301 Constantine St., Talon Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Sales, isinailalim sa surveillance ng kanyang mga tauhan sa Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ang dalawa makaraang makakuha ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng droga.

Nang magpositibo, ikinasa ang buy-bust operation laban sa dalawa dakong 3 a.m. sa Commonwealth Avenue, Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

Makaraan bentahan ng dalawa ng shabu na nagkakahalaga ng P55,000 ang poseur-buyer ay agad dinamba ng mga pulis ang mga suspek.

Narekober sa dalawang dayuhan ang dalawang sachet ng shabu at boodle money.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *