Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suhestiyong mag-Darna si Kathryn, pinalagan ng fans

NAIMBIYERNA ang ilang fans ni KathrynBernardo kay DJ Jhaiho dahil sa  messages na kanyang ipinost.

“Sa nakikita kong Boracay pics ni Kathryn Bernardo feeling ko bongga siyang mag Darna!”

“KathrynBernardo For Darna”

‘Yan ang magkasunod na message ni DJ Jhaiho na nakapagpainit ng ulo ng ilang Kathryn fans.

“Feeling ko papayag naman si DJ kasi Iconic ang role na Darna. Hindi basta basta at iba pag naging Darna ang isang babaeng artista!”

“Nasabi ko lang naman dahil sa nakita ko mga pics nila sa Boracay ang ganda ng body ni Kath. Nagbunga ang pag gygym niya ng bonggels!,”magkasunod na explanation ng magaling na DJ.

But some fans reacted violently, may nagtaray, may nagmura kay DJ Jhaiho.

“tumigil ka nga may serye na uli sya w dj. may masabi klng talaga e no? famewhore shut up nlng,”say ng isang fan.

“jan ka magaling! Gustong gusto niyo laging binabash si kath, dumadami bashers dhil sa mga post mo. Utak nman please,” say ng isa pa.

Ito ang matinding  comment, “HINDI KO TALAGA ALAM BAKIT INAALAGAAN KA NG FORD EH WALA KANG IBANG ALAM KUNDI MANIRA ——— KA @mor1019jhaiho.”

Rumesbak naman si DJ at sinabing, “Kung di nyo bet edi hindi. Ako ba mag dedecide? Ako ba magproproduce? sakin lang wala pang napipili base sa boracay pics niya kya ko nsbi.”

“Hahahaha! Imbes ma beastmode ako mas naisip ko lang ako maswerte kasi nakakasama ko anytime and almost everyday sila. Hahaha

“Hahahahahaha!

“Grabe no kakaloka ang mga mamaru! marurunong at mamaga! Magagaling.

“Last tweet for today about dito. Again di ako beastmode,” magkasunod pa niyang tweet.

( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …