MUKHANG taon uli ni Sharon Cuneta ang 2016. Hayan at pagkatapos pumirma ng sikat na singer-actress ng 2-year exlusive contract sa ABS-CBN ay agad siyang isinalang sa season 3 ng The Voice Kids na kaka-pilot pa lang nitong Sabado pero pumalo na agad sa magkasunod na araw sa mataas na ratings na 35.6% noong May 28 at May 29 na humamig ng 36.6% sa Kantar Media National TV Ratings.
Well bukod kasi sa very funny ang dating ni Shawie ay positive pa sa TV viewers ang kanyang pakuwela at pagiging light na coach. Nasaksihan namin ito sa unang taping ng TVK para sa kanilang Blind Audition kung saan ang cute ng dating ni mega habang nagbibigay ng kaniyang komento sa mga batang contestant. At ang husay niyang mangumbinsi na hindi hard sell ang kaniyang dating kaya madalas siya ang napipiling coach. Saka siyempre malaking factor rin ang malaking pangalan ni Sharon na pati kids ay kilala siya.
Samantala agad nag-trending sa twitter ang megastar at ayon sa ilang netizens, light lang at nakaaaliw ang mag-judge ni Sharon at ibang-iba sa naging style nito sa paghuhurado noon sa Your Face Sounds Familiar.
Sey ng isang diehard Sharonian, “Thank you ms @sharon-cuneta12 for being the coach while wala si sars. Sana po sa inyo manggaling ang bagong champion. Katuwa po kayo.”
Tweet ng isa pang netizen na tumutok sa pilot episode ng The Voice Kids, “Coach Sharon Cuneta made my day so much. ABS made the right decision to get Sharon as replacement of Sarah G.”
“Infairness ang saya ng #thevoicekids3ph kanina. Kayang-kaya makipagsabayan ni Sharon Cuneta kay Leah at Bamboo,” komento pa ng feel ang pagiging coach ni mega. Si Candy Pangilinan ay nag-tweet rin para batiin si Shawie sa unang paglabas niya sa TVK,
“Nakaaaliw si Ms. Sharon Cuneta sa The Voice Kids.” At isa pang twitter user ang nagpahayag na nawala raw ang lagnat niya, niya dahil sa dalawang beses umikot ang chair ni Sha na comedy ang naging dating sa lahat. “Just scanning through the channels tapos bigla mong makikitang nasa 360 ‘yung chair ni Sharon Cuneta sa #thevoicekids3ph. Nawala lagnat ko. Thank u,” pasasalamat pa niya kay mega na may sagot sa kaniyang mga basher tungkol sa pang-iintriga sa kaniya sa social media.
“Sabi ng mga basher ko, baka raw ‘di gumalaw ‘yung silya, tingnan mo gumaan ako… dalawang beses,” tumatawang pahayag ng pinag-uusapang coach.
‘Yung pakuwelang confrontation nila ni Leah na mula sa classic na mga dialogue sa blockbuster movie na “Bituing Walang Ningning” noong 1985 na hindi nagpatalo si Dorina kay Lavinia ay malaking factor sa ratings ng The Voice Kids.
Marami pa kayong mga aabangan gyud!
ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO HINDI MAPAGHIWALAY NANG TADHANA SA “DOLCE AMORE”
Mas lalong katutok-tutok ang mga bagong episode na inyong matutunghayan sa toprating teleserye ng Star Creatives na “Dolce Amore” lalo na ngayong hiwalay na sina Tenten (Enrique Gil) at ang nakatatandang kapatid ni Serena (Liza Soberano) na si Angel (Sue Ramirez). Hindi kinaya ni Angel ‘yung makita na hinahaplos-haplos ng boyfriend na si Tenten ang mukha ni Serena habang magkausap ang dalawa sa ilalim ng puno. Hindi kasi mapigilang gawin ni Tenten ang bagay na ito lalo’t may nararamdaman pa siya para kay Sese.
At para hindi na magkaroon ng conflict ay nagpasiya ang binata na makipaghiwalay kay Angel at sabihin ang totoo na mahal pa rin niya ang kanyang nakababatang kapatid.
Pero mukhang mahihirapan makapag-move on si Angel lalo’t sikat ang team-up nila ni Tenten bilang mga singer.
Samantala mukhang malapit nang magbalik ang memorya ni Serena dahil plano na ni Tenten at kapatid na si Binggoy (Kean Cipriano) na ipagtapat sa dalaga ang lahat kung bakit siya nagkaroon ng amnesia at sino siya (Tenten) sa buhay nito.
Puwedeng maging positibo at puwede ring maging negatibo ang pagtanggap ni Serena sa
katotohan pero nakahanda na rin si Tenten sa anumang kasasapitan nang lahat.
Abangan ang dalawang pusong nag-iibigan na hindi mapaghiwalay ng tadahana.
You can watch Dolce Amore weeknights after FPJ’s Ang Probinsyano on ABS-CBN Primetime Bida.
Ito ang seryeng hindi mo bibitawan gyud!
HAKOT PA MORE NG EAT BULAGA NATIONWIDE NA, LUCKY HAKOT TRUCK MAG-IIKOT SA IBA’T IBANG LUGAR SA PINAS
Para higit na makatulong sa maraming Dabarkads, bukod sa Hakot Pa More sa Broadway Studio na bukod sa daily winner sa hakutan at balato sa studio audience na 5 K bawat isa, simula kahapon ay umiikot na sa iba’t ibang lugar ang Lucky Hakot Truck ng Eat Bulaga at ang first stop nila, Nasugbo Batangas.
Namili ang Dabarkads kung sino ang creative at maayos magsampay ng kumot sa harapan ng kanilang bahay.
At ang masuwerteng Batangueña na naglaro sa Hakot Pa More ay si Ginang Dolores Sebuangco na ang total amount na nahakot na lucky coins ay P11,880. Ibig sabihin, 11 kilos at 880 grams ang nakuha niya.
Abangan naman kung sino sa mga taga-Hagonoy Bulacan ang mabibigyan ng chance na makapaglaro sa Lucky Hakot Truck, Hakot Pa More The Nationwide Tour na ang dapat nilang gawin ay magsabit ng maong na pantalon sa harap ng kanilang tahanan.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma