Pinag-usapan ang Cinema One Originals teen actress Teri Malvar noong taon 2013 nang matalo niya ang Superstar na si Nora Aunor sa Best Actress category sa 2013 Cine Filipino Film Festival.
Makalipas ang tatlong taon, ang batang aktres ay isa nang recipient ng 2016 Screen International Rising Star Asia award sa New York Asian Film Festival (NYAFF).
Opisyal na ring inianunsiyo ng New York Asian Film Festival (NYAFF) ang 15 pelikulang ipapalabas nila mula June 22 hanggang July 9. Mula sa 15 na pelikulang ito, tatlo ay proudly Pinoy made: ang religious crime drama ni Erik Matti na “Honor Thy Father,” ang noir youth drama ni Ralston Jover na “Hamog,” (Haze), at ang sensual surfing film ni Mario Cornejo na “Apocalypse Child.”
Maaalala na nanalo rin si Malvar ng Best Actress sa 2015 Cinema One Originals awards night. Ang “Hamog” na sa direksyon ni Ralston Jover ay nakaani ng apat na awards: Best Editing, Best Supporting Actor, Best Actress, at ang Jury Award.
Kinilala si Malvar sa pagganap ng “daring roles na mas pinapalawak ang saklaw ng contemporary Philippine cinema.” Siya ay tampok sa mga pelikula nina Sigrid Andrea Bernardo na “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita,” sa pelikula ni Ralston Jover na “Hamog,” at sa “Sakaling Di Makarating” ni Ice Idanan.
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.