Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim chiu Xian lim

Teleserye ng KimXi, tatapusin na

00 fact sheet reggeeMARAMI ANG nagulat nang ianunsiyo ng ABS-CBN na huling tatlong linggo na lang ang The Story of Us teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim na nagsimula lang noong huling linggo ng Pebrero, 2016.

Iisa ang tanong sa amin ng mga kaibigan naming tagasubaybay ng serye ng KimXi, ”last three (3) weeks na lang pala ang ‘The Story of Us’ serye nina Kim at Xian? Anyare?”

Kasalukuyan din kaming nanonood ng nasabing serye noong Biyernes ng gabi nang marinig naming, ‘abangan ang ‘The Story of Us’ for the last 3 weeks’ sabay tingingan kami ng mga kasama namin.

Biglaan yata ang desisyong ito ng ABS-CBN management dahil walang alam si Xian base sa sinabi niya sa presscon ng isang brand ng relo na ineendoso niya na masaya siya sa The Story of Us lalo na sa pagpasok ng bagong direktor nitong siCathy Garcia-Molina at tiyak na marami raw siyang matututuhan sa box-office director.

Kung kailan naman pumasok si Shaina Magdayao bilang bagong love interest ni Xian ay at saka mawawala na ang serye?

May tinanong kaming taga-Dos kung anong dahilan na biglang tatapusin na ang KimXi serye, ”parang hindi gusto ng tao ang ganoon kabigat na istorya, gusto light lang, parang ‘Dolce Amore’ at ‘OTWOL’ lang,” katwiran sa amin.

May ganoon?

Anyway, may nagsabi rin sa amin na, ”16 weeks lang talaga run (airing) ‘yun, mag-air na kasi ang ‘The Voice’ kasama si Kim at hindi niya kakayanin dahil araw-araw ang taping ng ‘Story of Us’, plus may concert pa si Xian at magkaka-movie pa sila.”

Sa tanong namin kung bakit papasok si direk Cathy at bakit nawala si direkRichard Somes, ”napagod si direk Richard kasi araw-araw ang taping, nag-rest muna.”

Sabagay, kailangang paghandaan talaga ni Xian ang concert niya at si Kim naman ay kailangan maging maganda siya lagi sa The Voice Kids at hindi puwedeng ngarag siya roon.

Teka, ano ba ang ratings game ng The Story of Us?  Hindi namin kasi alam, Ateng Maricris? (Ayon sa Kantar, base sa datos nila noong May 25, may 17.5 percent rating ang The Story of Us, laban sa katapat nitong serye sa GMA na mayroon namang 12.3 percent rating—ED)

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …