NAG-IBA na ng ruling ang Metro Manila Film Festival sa mga pelikulang isasali ngayong taon. Kung dati-rati ay script lang ang isinusumite mga gustong sumali, ngayon ay finished product na.
Pelikula na mismo ang kanilang isa-submit.
Si Direk Brillante Mendoza ay nagpahayag kamakailan na isasali niya saMMFF ang kanyang obrang Ma’Rosa na nagbigay kay Jaclyn Jose ng Best Actress Award sa katatapos na Cannes Festival.
Sa mga interesadong sumali, tiyaking mas maganda ang pelikulang isa-submit ninyo sa Ma’Rosa, hehehehe.
Ngayon, kung tatalunin si Jaclyn sa pagka-best actress o kaya ‘pag hindi natanggap ang Ma ‘Rosa bilang official entry sa MMFF, naku, ‘yan na ang hudyat para mamundok na tayong lahat.
MAKATAS – Timmy Basil