ISINAULI pala ni Zsa Zsa Padilla ang promise at engagement ring niya na galing sa ex-boyfriend niyang si Conrad Onglao.
Sa isang report ng isang lifestyle editor, itsinika nitong kaagad na nagpadala ng flowers, pagkain at hand-written letter si Conrad kay Zsa Zsa the moment na umalis ito ng kanilang bahay.
Say ni Conrad sa isang interview, gusto niyang magkausap sila ni Zsa Zsa para madinig niya mula rito na hindi na nga siya mahal nito.
“Whatever issues we have are between us and hopefully we can work it out, and who knows maybe get back,” say pa ni Conrad.
UNCUT – Alex Brosas